PAHINA 24

68 2 0
                                    

"Sino ka? Bakit inisturbo mo ang pagpapahinga ko dito?" Sabi ng lalaking nakahiga pero nanatili lang siyang nakahiga samantalang ako hindi nakapagsalita

Kaya napagdesisyunan ko na lang ang umalis ng dahan dahan. Ngunit hindi ako nagtagumpay, pinatid niya ang paa ko, madadapa na sana ako nang may biglang humila sakin patagilid kaya napapikit ako

"Nagpapahinga sana ako" sabi ng lalaki

Unti unti kong idinilat ang aking mga mata, unti unti ko rin nasisilayan ang hugis ng mukha ng lalaking humila sakin. Nakikita ko na ang paglingon niya saakin. Nang makita na naman ang isa't isa

"What the F*CK!!!" Sigaw niya umalingawngaw ang boses niya sa bawat sulok ng library.

Narinig ko agad ang tunog ng paa ng mga taong nagbabantay sa library sigurado ay papunta sila sa amin.

"Huwag kang sumigaw drake" mahinahon kong sabi

"You're disgusting! What the hell are you doing here?! Are you following me huh?!" Pasigaw niyang tanong

Napapakagat labi na lamang ako dahil sa sobrang isip bata ng lalaking ito, papalapit na samin ang mga nagbabantay sigaw parin siya ng sigaw. Kaya wala akong choice kundi suntukin ng malakas si drake dahilan para mawalan ito ng malay.

"Sino ang nandyan?!" Tanong nung nagbabantay

"Ah? Wala naman palang tao dito saan galing yung mga sigaw?" Tanong niya sa kasama niya
-----

at the Canteen....

"ENNATAAAAAA!!" Sigaw ni Misty mula sa door glass ng canteen

"ENNATAAAAA!!!" Sigaw niya ulit hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ko. Syempre dito sa sulok.

Sinalubong ko siya ng masamang tingin, ngunit wala man lang siyang reaksyon.

"Ennata! I have something to tell you, I can't imagine in my life that I would be---"

"Hooopppsss!" Pagtigil ko sakanya

"Teka dahan-dahan lang at kung maaari tagalog lang muna hindi pa gaano kasanay gumamit ng ganyang lenggwahe" dugtong ko, oo nakakaintindi na ako pero kapag ganun kabilis, naghahalo halo ang mga pinagaralan ko na halos di ko na maintindihan

"Okay, let me take a sit first" sabi niya tapos ay umupo siya sa upuan na nasa harapan ko

"Oh ano yun? Ulitin mo diko naintindihan" sabi ko habang umiinom ng juice

"In tagalog, mayroon akong sasabihin sayo, hindi ko maimagine or inexpect basta yun na yun"

Hala! Yun na daw yun jusko diko nga alam ang salitang IMAGINE.. pero sige iintindihin ko na lang ang sasabihin niya baka sakaling doon ay makuha ko ang sinasabi niya

"Hey ennata nakikinig kaba?" Biglang tanong niya sakin

Ako?

"Ahh oo naman, sige ipagpatuloy mo" sabi ko, kahit hindi HAHAHA!

"Hindi ko maimagine na sa tagal ko ng nagaaral dito sa Sheehan University.. magiging parte pa ako ng event natin ngayon" masaya niyang salaysay pero teka EVENT?

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon