PAHINA 11

108 2 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Naramdaman kong may gumamit ng majika dito sa mundo ng mga tao" paguulat ng isang lalaking may kalahating maskara sa mukha, nakasuot ito ng purong itim .

"Kung naramdaman mo din yun, ibig sabihin, hindi na lamang tayo ang nandito kundi meron pang iba" sagot naman ng lalaking nakatalikod na nakasuot ng isang maayos na damit. Makapal ang boses nito.

"Ano po ang gusto niyong gawin ko? " pagtatanong ng lalaki

" hayaan na muna natin ang mga ganito presensya, kung sakali mang mangyari ulit ito, magkita tayo ulit" sabi ng lalaki, humarap ito ang kaso lang ay napakadilim sa lugar na pinaguusapan nila ngunit nakita ang mga mata nito

"Masusunod po kamahalan" sagot naman ng lalaki na kanina pa nakaluhod, pero agad naman itong naglaho sa paningin ng lalaking kausap niya

Ang matang nanlilisik, ang nasinagan ng ilaw. Sumakay naman ng kotse ang lalaki..

---
Ennata's POV

"Sige dito na lang, magiingat kayong dalawa hah?" Paalam ko sa kanila di ako nagpababa sa mismong tapat ng bahay namin
Dahil ramdam kong nasa bahay na si ama

"Sigurado kaba ennata na dito na lang kita ibababa? Andoon pa bahay niyo" sabi ni nico na nakanguso na tinuturo kung nasan pa ang bahay namin

"Ahh oo dito na lang, may dadaanan din kasi ako ehh" pagdadahilan ko sa kanya

"Ayaw mo bang ihatid ka namin sainyo mismo? Gusto ko rin makita ang bahay niyo" sabi naman ni misty

"Oo sigurado ako, hayaan mo sa susunod makikita mo rin ang bahay namin" sagot ko kay misty
"Ohsige na, ingat kayo gabi na din.. Paalam" dugtong ko sabay layo sa kotse ni nicodemus

"Sige bye! " sigaw nilang parehas at pinaandar na ni nico ang sasakyan

"B-bye? "
"Babye! Ingat kayo" sigaw ko ulit

"Meoww! "
"Ay pusa ka! " sabi ko ng biglang lumitaw si ted sa harapan ko

"Meoww! " "Ay pusa ka! " sabi ko ng biglang lumitaw si ted sa harapan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

yan si ted, medyo kulay itim at abong kulay. Kaya nga kung minsan natatakot ako kapag gabi dahil sakanya idagdag mo pa ang kulay kahel niyang mata.

"Grabe ka sa pusa ennata ahh, kailangan ipamukha talaga" sabi nito sa akin

Nagsimula na kaming maglakad, dahil medyo malayo pa ang bahay namin.

"Bakit nga pala nandito ka ted?" Tanong ko sa kanya

"Pauwi na ako ng makita kitang bumaba ng sasakyan kaya naghintay na ako" sabi nito

Sino ba kausap niyan?
Baliw ata..
Tara dalian niyo baka saktan tayo

Sabi ng mga taong nakakasalubong namin, nakalimutan ko na palang wala kami sa zinea nasa mundo kami ng mga tao.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon