PAUNANG PAHINA

387 7 0
                                    

Sa mundong ating ginagalawan, may mga bagay tayo na hindi natin maipaliwanag, at sa tagal ng ating paninirahan dito may mga bagay parin tayong hindi alam..

Bagay na nanatiling lihim sa lahat,dahil ang hindi natin alam ang mundong ating minamahal ay puno pala ng mga nakatagong MISTERYO..

Isang libong taon na ang nakaraan simula nang mapasakamay ni Erebos  ang buong Zinea tirahan ng mga gods at goddesses at ng iba't ibang elemento
Si erebos ay ang traydor at sakim na miyembro ng konseho,kilala rin siya bilang 'FATHER OF THE DARKNESS'

Sobrang mapayapa ang lugar ng Zinea ito ay isang makapangyarihan at sagradong lugar, bagama't naninirahan ang mga iba't ibang gods at goddesses dito, hindi mo parin maikukubli ang walang hanggang kasiyahan at pagmamahal na naghahari sa sangkatauhan

Ang lugar ng Zinea ay kakaiba sa ibang lugar, ang zinea ay pinumuguran ng iba't ibang elemento, mga bagay na iba sa lahat.. Mula sa lupa,puno,dahon,ulap,tubig at iba pa.. Lahat sila ay malayang namumuhay dito. Mayaman sa mineral ang zenia halos araw araw ay may ginto kang makikita, kahit sa daan ay may mapupulot kang ibat ibang mineral. Ang mga ito ay nagsisilbi ding palamuti ng mga goddesses at gods ,maging ang tirahan, ang mga zaouns(tawag sa mga taong naninirahan sa zinea) ay pantay pantay ang estado sa buhay, lahat ay masagana sa pamumuhay. Maliban sa pagiging malaya at mapayapa ang zinea ay may isang batas lamang na dapat sundin...

At yun ang huwag labagin ang kautusan na lumabas ng portal ng walang pahintulot mula sa taas o sinumang nakakataas sa Zinea. Ang portal na iyon ay nagsisilbing daanan papunta ng ibang dimension, walang sinuman ang nagtatangkang maglabas't pasok dito maliban sa mga miyembro ng The Council of Gods at ng Justice of the fallen. Dalawang guild na namumuno sa zinea. Sila ang mga tagapamagitan ng mga zaouns sa mga gods at goddesses,sa kanila sinasabi ng mga diyos ang mga dapat gawin para sa katahimikan ng zinea, sila din ang tagagawa ng batas at tagapagpatupad,sila din ang nagpapataw ng kaparusahan sa isang zaouns kung ito ay may mabigat  na kasalanan.

Ngunit sa isang iglap ang katahimikan na yun ay nabago at nawala. Ang dating zinea na puno ng pag asa at pagmamahal ay naglaho.. At dahil yun kay erebos.. Siya mismo ang nagsimula ng digmaan,marami ang nasugatan, nasaktan at namatay. Isang digmaang madugo na kailanman ay hinding hindi mo gugustuhin..

Walang nakakaalam na nagaaklas siya ng isang digmaan. walang sinuman ang nakatuklas maging ang aking ama. Matalik na kaibigan siya ng aking ama, nasa ikaunang ranggo ang aking ama sa konseho, at kanang kamay niya si erebos, alam man ni ama na noon pa man ay mithiin na ni erebos ang maging katiwala ng mga diyos, ay wala siyang nagawa, alam ni ama na may inggit na namumuo sa pagkatao ng kanyang kaibigan ngunit hindi niya ito pinansin at hindi niya nakikita na gagawa ng isang malagim na tradheya si erebos sa sarili niyang tahanan

Ngunit nagkamali si ama, kahit na kaibigan niya ito at kapatid na ang turing niya dito napilitan siyang kalabanin dahil na rin sa utos ng taas, pero sa huli ay nanaig parin sa puso ni ama ang pagkakaibigan nila, halos hindi na niya kilala ang kanyang kaibigan,  ang itim na aura nito ay nakakatakot at nakakapangilabot.

Ibang iba ang kanyang anak sa kanya, siya ay aking kababata, maganda ang relasyon namin pero marami ang tutol,ang sabi nila magkaiba daw ang tadhana naming dalawa, hindi daw kami maaring magsama dahil

Ang propesiya na isinaad ng mga diyos ay mangyayari sa takdang panahon.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon