PAHINA 45

1 0 0
                                    

Ennata

"Mr. President!" Bati ni Drake kay Ivan

"Let's go Ennata" pag-aaya ni Ivan sakin.

"It looks like you have your new toy" sabi ni Drake kay Ivan

"Ayaw ko ng gulo drake" sabi ni Ivan sakanya.

Hindi ako makaimik sa kanilang dalawa dahil hindi ako kabilang sa 'di nila pag-uunawaan.

"Why? Wala naman akong ginagawa. Ikaw tong may ginagawa" sabi ni drake kay Ivan

"Wala akong ginagawa sayo okay?" Sagot ni Ivan sakanya

"Ennata tara na" pag-aaya ulit sakin ni Ivan

Maglalakad na sana kami ni Ivan ng bigla naman akong hinawakan ni Drake sa braso ko. Kaya napahinto si Ivan.

"What the hell are you doin' dude?!" Tumaas na ang boses ni Ivan.

"She's staying here with me, you can go alone" sabi ni drake kay Ivan na parang inaasar niya to

Tinanggal ni Ivan ang kamay ni Drake sa braso ko tapos ay pinunta nya ako sa likuran niya.

"Don't fuckin' touch her drake!! " Sabi ni Ivan kay drake bagamat' hindi ko lubos maintindihan ang ang sinasabi nila sa isa't isa nakaramdam naman ako ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Lumapit si Drake kay Ivan. Nagtitigan silang dalawa. Parehas silang matangkad kaya walang iwan nung nagdikit silang dalawa.

"Do you have any death wish?" Sabi ni Drake kay Ivan

"Your death" sumagot naman si ivan.

Nakita kong parehas silang nagpipigil ng sarili. Nakatikom na parehas ang kanilang mga kamao. Dumarami na din ang mga estudyante na nanunuod sa kanila dalawa.

Sumesenyas ako kay Ezekiel na pigilan si drake pero nagkibit balikat lang to tsaka itinuloy ang pag inom ng kung anong likido sa bote. At bilang ako lang ang may pakielam sa dalawang 'to ako na ang pipigil.

"Pwede bang tumigil na kayong dalawa?!" Inis kong sabi. Parehas nila akong binalingan ng tingin.

"Drake, pwede ba sumama ka na kay ezekiel at huwag ka ng gumawa ng gulo, at ikaw Ivan pumunta ka na kung saan ka pupunta kaya ko na sarili ko" sabi ko sa kanilang dalawa sabay alis para manahimik na silang dalawa. Hindi na ko na sila nilingon pa.

Habang naglalakad ako hindi ako makapaniwala na nakapagsalita ako sa tono na katulad nila. Nagdire-diretso ang pananalita ko. Kaya lalo ako nagalak na makita si misty.

Sa love embracer ko pinuntahan si Misty at hindi ako nagkamali dahil nandoon sya tumutugtog ng plauta.

"Misty!" Bati ko sakanya, nilingon nya ako agad ngunit natigil sya sa pagtugtog.

"Bakit tinigil?" Tanong ko

"Dumating ka eh, kumusta sa music club?" Tanong nya agad sakin

Umupo ako tsaka ako nagkwento.  Walang mapaglagyan ng tuwa ang naihatid kong balita kay misty. Sa sobrang galak ay nasabi na nya sakin ang mga plano nya sa music club. Naikwento ko din ang tungkol kay Ivan halos hindi rin sya makapaniwala na magaling kumanta si Ivan. At syempre ang nangyari kanina bago ako mapunta dito.

"Ennata! Yung totoo?" Tanong ni Misty.

"Anong totoo?" Tanong ko

"Ano talaga ang namamagitan sainyo ni Drake?" Biglaan nyang tanong.

Namamagitan?

"Wala" sagot ko

"Hindi pwedeng wala lang. Did you know never pa sa school na 'to naging ganun ka vocal si Drake sa babae?" Hindi nya makapaniwalang sabi.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon