PAHINA 34

72 1 0
                                    

Ang pitong pusa

"Paano ba lilly? Nakalimutan ata ni ennata ang araw ngayon?" Tanong ni ted kay lilly

"Kaya nga, excited pa naman ako dahil sa tinagal tagal ng panahon makikita ko na muli ang mga abs ko" sabi naman ni molly

"Oo nga, yung figure ko miss ko na" pag sang ayon naman ni rosie

"Pwede ba? Mukha lang kayong pusa pero may utak pa rin kayo" sabi ni lilly

"Jusko, may utak nga pero wala naman tayong kakayahan para gawin yung ritual" sabi ni henry

"May utak nga di mo naman ginagamit, kaya useless din" sabi ni daisy kay henry

"Aba ikaw ba? Kelan mo nagamit?" Tanong ni henry

"Araw-araw, di tulad sayo kinakalawang na" sagot naman ni daisy

"Naku tumigil na nga kayong dalawa! Nakalimutan niyo na ba? May isa sa atin ang may kakayang magkatawang tao ng ilang minuto?" Sabi ni lilly

Nagkatinginan naman ang lahat, at napaisip.

"Teka asan pala si?" Tanong ni rosie

"Si dylan!"

"Oo tama kayo si dylan ang may kakayahang maging tao, kaya dapat mahanap natin siya ngayon." Sabi ni lilly

------

Ennata's POV

Sa aming apat, kaming dalawa lang ni drake ang tahimik dahil sila misty mula sa umpisa ng lebel na ito hindi na sila tumigil sa pagtatalo.

Upang mabasag ang katahimik na siyang pumapaligid samin, ako na ang nagbukas ng paguusapan.

"Drake saan naman kaya ang magiging labas nito?" Tanong ko

Matagal bago siya magsalita.

"I don't know" sabi niya

"Baka katulad lang sa unang lebel? Nasa mga pader" sabi ko

"I don't know" sagot niya ulit

Inulit na lang niya ang sinabi niya nung una, kaya hindi na ako muli pang nagsalita, baka ayaw niya akong kausapin, o kasama. Kaya dapat sa lalong nadaling panahon makalabas na kami nang sa ganun matahimik na rin si misty.

------
Misty's POV

Kaya simula't sapol ayoko na talagang umpisahan to nahihiya lang ako kay ennata dahil ako mismo ang nagpumilit para sumali dito. Pero I didn't expect na makakasama namin si drake at ang mokong na to.

Akala ko it will be exciting but it became worst. Lalo na ngayon na kami pala ni ezekiel ang magkakasama, ang mas masama pa doon, hanggang sa makalabas kami dito. So gaano katagal yun? Diba? Sa unang level pa lang we took so much time para lang makita yung exit dun, dito pa kaya sa level 2 and so on.

Isa pang nirarant ko ay yung kaingayan at kareklamador ni ezekiel sobra, kunting kibot magrereklamo, hindi man sakin o kay ennata, pero kay drake ? Knowing na naiirita siya sa mga ganun but kalmado siya ngayon kapag nagrereklamo sa kanya si ezekiel, tapos ang yabang pa niya nang accidentally namin nabutas yung pader, na hindi naman namin alam parehas na yun na pala ang exit sa level 1. Nakakainis! Sobra! Emojing galit. And another one is yung sabihin niya sa harapan nila drake at ennata na yun nga I poop when I was in kinder or what, that was my most embarassing moment talaga dahil pinahiya niya rin ako.

At ito nga, nakaposas pa yung mga wrist ng kamay namin, just to clarify daw na kami ang magkapares sa booth na ito, what a nonsense diba? May sense siya kung yung kasama ko eh nagiisip at hindi nagrereklamo, nabibingi na nga ako eh, tinalo pa ko ni ezekiel sa kaartehan at kadaldalan.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon