PAHINA 18

94 4 0
                                    

Ennata

Recess ngayon kaya lahat ng estudyante ay nasa labas. Nasa canteen kami ngayon kung saan bilihan ng pagkain. Marami ang nakatitig at nagbubulungan. Gusto ko silang parusahan dahil sa ginagawa nila..

Sa zinea kasi kasalanan ang nagbubulungan dahil pagtataksil ito sa pamayanan at sa tao. Pero dito sa mundo nila, malaya nilang nagagawa yun.

"Ennata, huwag kang lalayo sakin okay? " paalala ni Misty sakin habang naglalakad kami hawak hawak ang tray na may pagkain namin

"Kailangan paba yun? " inosente kung tanong, huminto siya sa paglalakad at humarap sakin

"Oo KAILANGAN YUN. Di natin alam kung sino dito ang may masamang balak sayo. Kaya huwag kang hihiwalay sakin" sabi niya tsaka talikod tapos luminga-linga para humanap ng uupuan

Kunh pwede ko lamang sabihin na siya ang dapat na hindi lumalayo sakin. Dahil mas kaya ko siyang protektahan pero hindi pwede kaya sumakay na lamang ako sa sinabi niya

"Wala na tayo mauupuan, mukhang sinadya ata nila " inis na sabi ni Misty

Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Wala namang sinasabing rules na di pwedeng kumain sa labas diba?kaya doon tayo sa labas" sabi ko tumango naman siya at sabay kami naglakad

Malapit na kami sa labasan ng canteen ng biglang may sumagi sakin dahilan para ang ibinili kong orange juice ay matapon sa puti kong blouse.(sabi ko nga po sainyo mas gumaling ako sa english mula ng bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko)

"Oh my Gosh Ennata!" Gulat na sabi ni Misty kumuha naman agad siya ng panyo para pampunas

"Oh well, mas bagay sayo ang ganyang design ng blouse, right girls?" Sabi ng babae na puro kolorete sa mukha

Diko siya pinansin, hinihintay ko kasi na punasan ako ni Misty. Pero walang Misty ang nagpupunas sakin.

"H-how could you  do this to me!" Sigaw ng babae naliligo siya sa juice ni..

Ni Misty?pinaliliguan niya ito. Ngumiti si Misty sakanya ng maubos na ang orange juice. Parehas kami ng binili.

"Well, I think you look much better, uhmm but there
Is kulang, uhmm? " sabi ni Misty
May kinuha si Misty na kulay pulang lalagyan at tsaka ibinuhos ito sa mukha ng babae

"SHIT! DAMN YOU BITCH! " galit na sabi nito kay Misty

Kung di ako nagkakamali ketchup yun. Dahil minsan ko narin ginamit yun.

"Ayan! Mas bagay sayo.. See? Kahit di ako nagmamake-up mas magaling pa ako sayo"mapangasar na sabi ni misty

Lahat ng tao dito sa loob nagtatawanan, diko narin napigilang tumawa dahil sa itsura ng babae. Sa mata nito ay nilagyan ng ketchup ni Misty, ang labi nito uhmm si ano.. Si? Parang si McDonald ayun, yun nga.. Pero naalala ko pala na hindi tama yun

"Misty, tama na yan" pagpipigil ko kay mistu dahil may dadamputin pa siya

"Per--" diko na siya pinatapos hinila ko na siya pero nagpupumilit parin

"Ano? " tanong ko sakanya

"May nakalimutan ako" sabi niya

"Ano yun? "

"Ito" pagkasagot ni Misty nun itinaplak niya yung bagong lutong itlog sa mukha ng babae at sa kasama nitong dalawang babae

"OOOOOUUUUUCCCHHH! " sigaw nila

"Ay wala na pala akong nakalimutan" sabi nito na may ngiti tsaka lumabas ng canteen

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niya, mali yun at sobrang mali. Mas nagiging malala lang ang lahat.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon