PAHINA 39 Tunog ng plauta

95 2 3
                                    

Ennata's POV

Pagkatapos ng mahabang mensahe Mula sa ibat-ibang tao na bumuo ng eskwelahan na pinapasukan ko, ngunit may isa pang hindi dumalo at Yun ang pinakahead ng eskwelahan.

Nagkaroon din ng iba't ibang patimpalak at ito nauwi kami sa kainan. May mga serbadora ang naghahain samin Ng mga putaheng kanilang niluto para sa gabing Ito.

"Ennata, did you eat meat?" Tanong sakin ni Misty na katabi ko na ngayon kanina Kasi si Ezekiel na sobrang ingay

Di noon halos lahat ng Ingles na salita ay diko alam Lalo na kapag ginagamit na to sa pangungusap ng mga kasama ko pero ngayon halos nakakaintindi na talaga ako.

"Hindi bakit?" Sagot ko

"Ayy ganun ba? Ako I like meats" Sabi nito na tuwang tuwa dahil puro ibat ibang karne ang nasa harapan niya

"I'm sad because I can't share it to you the meat that I adore most" dugtong niya

"Ayos Lang kumain ka Lang Ng kumain" Sabi ko tumingin naman ako sa mga pagkain na nasa harapan ko,

Lahat puro karne, paano ako makakakain? Hindi talaga Kasi ako kumakain Ng mga karne Kasi pakirandam ko mga kaibigan Kong hayop ang mga kakainin ko, lalo na ngayong balita ko ay Mula sa karne ng hayop ang mga Ito.

"May problema ba ennata?" Tanong sakin ni Misty

"Kanina mo pa tinitingnan Yung mga pagkain sa harapan mo?" Dugtong not

"Ahh Wala" sagot ko agad

"Oo nga pala di ka kumakain Ng mga to" Sabi ni Misty

"Vegetarian huh?" Singit bigla ni Drake sabay lagay ng isang plato sa harapan ko

"They only have one dish na vegetables" dugtong niya saby upo Kung saan siya nakapwesto kanina

"Ako muna titikim baka may lason" bulong ni Misty sakin

"Walang lason Yan nerdy girl" singit naman ni Drake

"I'm just checking, Malay mo ba? Alam ko naman na iba ang takbo Ng utak mo" Sabi ni Misty sakanya tinaasan Lang siya Ng kilay ni Drake

Tinikman talaga ni Misty Yung
Pagkain na nasa harapan ko.

"Negative ennata, you can eat na" Sabi ni Misty

Kumuha Naman ako ng tinidor para tikman Kung akma sa panlasa ko. Kumuha ako ng berderng dahon tsaka Ito sinubo.

"How is it?" Tanong ni Misty

"Masarap siya" Sabi ko talagang masarap siya.  Nakailang subo na ako ng maramdaman Kong may nakatingin sakin umikot ang Mata ko sa paligid tapos ay nakita ko si drake na nakatingin sakin, isang masamang tingin. 

Lumingon-lingon pa ko Kung ako ba talaga ang tinitingnan niya o Yung nasa likuran ko Lang. Pero Wala naman nakaupo gawing likuran ko.
Nakaramdam ako ng ilang Kaya naghinay hinay ako sa pagsubo Ng pagkain ko tapos diko na siya pinansin, ilang Segundo pa ang lumipas napatingin ulit ako sa pwesto niya ngunit wala na siya Doon, nagulat ako Ng may nagsalita sa tabi ko sa gawing kanan,

"Do you like it?" Tanong nito

Nilingon ko siya at ang nakita ko ay yung lalaki na nakilala ko nung unang araw ko dito sa sheehan.

"Oo" sagot ko

"Vegetarian ka pala" Sabi nito  Hindi ko siya kilala

"Oo" sagot ko ulit

"You look stunning ennata" Sabi pa nito

"Salamat" sagot ko

Inaalala ko Kung ano pangalan niya eh,

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon