PAHINA 8 : PANGANIB

115 3 0
                                    

Someone's POV

"Malapit na ang hinihintay nating oras" sabi ng lalaking nakaupo sa isang matarik na upuan na nakatanaw sa itim na langit..

------
RING! RING! RING!

Tunog na ng bell, hudyat na para pumasok sa kanikaniyang klase. At sa nakasanayan ko na, ay ang pagtingin ng mga estudyante sakin..

Ilang linggo na siya dito pero di parin siya nagpapakulay ng buhok

Oo nga bawal yun dito sa school ahh

Bulungan nila, ano ba kasi problema nila sa buhok ko, hindi naman sila pinapakielaman ng buhok ko.

Papasok na ako sa classroom ko ng makita ko agad ang mukha ni drake na sobrang sama ng tingin sakin, pero wala akong pakielam. Dumiretso ako sa upuan ko, lahat ng mga kaklase ko ay nagtatawanan pero diko na lang sila pinansin.

Hinanap agad ng aking mata si misty pero wala parin siya sa kanyang upuan, kaya nagdesisyon ako na magbasa na lamang.

Nang kinukuha ko ang libro may naramdaman akong papalapit sakin pero diko siya tiningnaan, nagpatuloy ako s pagkuha ng libro sa bag ko.

"Hi I'm Ezekiel Ward, MVP player ng basketball, and you are? " sabi ni ezekiel

Kahit di na siya magpakilala ay naipakilala na siya sakin ni misty

"Wala akong panahon na makipagusap sayo" walang gana kong sabi sa kanya

Inilayo niya sakin ang kamay niya.

"Hmm, snobber.. " sambit tsaka umalis sa harapan ko

Snobber?

Tanong sa isip ko. Wala kasi si misty ehh kaya diko pa maitatanong sakanya. Nung umalis naman si ezekiel, bigla namang may bumato sakin ng papel sa gilid ko, noong una diko pinansin kasi baka naglalaro lamang ang mga kaklase ko, at natatamaan lang ako. Pero nakakatatlong ulit na at sa gilid ko parin ako tinatamaan..

Kaya tiningnan ko kung sino ang nambabato sakin.

"Ikaw? !" Inis na tanong ko sa kanya ng makita ko ang mukha niya

"Sorry I thought you are a trash bin" sabi niya sabay tawa at bato ulit ng papel sa mukha ko

Buti na lamang ay pinagtuunan ko ng pansin ang pagaaral ng lenggwaheng english.

"Ahh ganun ba? Gusto mo ba itapon ko doon sa tunay na basurahan? " tanong ko sa kanya, tumango naman siya

Itinapon ko yung mga papel na binato niya sakin doon sa trash bin namin sa loob ng silid ng hindi tumatayo. Lahat sila ay napanganga maging sila ezekiel at drake.

"Nice one!" Masayang sambit ni ezekiel habang prenteng nakaupo sa table

Sa gilid naman ng aking mga mata ay nakita ko ang mukhang nakasimangot ni drake, wala akong magagawa dahil ganyan talaga siya. Akala ko tapos na pero hindi pa pala, may nagbuhos sakin ng basurahan. Tiningnan ko kung sino at nakita ko ang babaeng puro kolorete sa mukha.

"Oopppsss! Sorry" mapangasar niyang sabi na siyang kinagigil ko lalo naglakad ang babae papalayo sakin sinundan ko siya ng tingin. Sa inis ko ay nagbanggit ako ng ilang chant para madapa ng pasubsob yung babae nagtawanan ng malakas ang buong klase

"Ohh? Baka yan hindi mo pa itapon? Nangangamoy kana jan" sabi ng taong kinaiinisan ko

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at pulutin ang mga basura tapos ay dalhin ito sa tamang pwesto nito. Ganyan kasama ang taong ito, ayoko man siya husgahan pero sobra siya. Habang nilalagay ko ang basurahan nagtawanan ng malakas ang mga kaklase, kaya agad akong lumingon upang tingnan agad kung ano meron, may nagpipigil ng tawa, may namumula at mah halos humalgapak na sa tuwa.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon