PAHINA 15

102 5 0
                                    

Molly
(One of the 7 cats)

"Nagaalala na ako kay ennata" pagsasalaysay ko kila daisy, rosie at dylan

Nandito kami ngayon sa sala ng bahay, hinihintay magising si ennata sila henry, ted at daisy naman ay nagbabantay sa kwarto ni ennata

Nandito kami ngayon sa sala ng bahay, hinihintay magising si ennata sila henry, ted at daisy naman ay nagbabantay sa kwarto ni ennata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oo tama kayo, ako ngayon.. Ang Cute diba? Kaya inggit na inggit sakin sila henry HAHA!

"Ano kaba molly, calm down magiging okay din si ennata" sabi ni rosi na donyang donya nakaupo sa tropillow

"Paank ako magiging kalmado, tingnan niyo ang lagay ni ennata?" Sagot ko naman agad sabay cross arms ang galing noh?ngayon lang kayo nakakita ng pusang ganyan

"Ano kaba? Si ennata paba? Kering keri niya yun, nagpapahinga lang siya" si daisy naman nagsasalita habang sinusuklay ang sarili

"Kaya nga molly, parang hindi mo kilala si Ennata, ang mabuti pa sabayan mo akong magsayaw dito" dugtong ni dylan na kumekendeng kendeng pa Idol niya daw si Garfield na pusa napanood niya kasi yun

Pusa man kami sa panlabas na anyo, tao naman kami sa isip, sa salita at sa galaw. Kaso kailangan naming umarte na isang pusa talaga.

"Masyado kayo bilib sa kakayahan ni Ennata, malay niyo di na pala niya kaya, naglalakas lakasan lang siya" sabi ko sabay humiga sa couch at nagpagulong gulong

"May point ka Molly, baka di natin alam pinipilit lang ni Ennata" sangayon na sabi ni daisy na nagsusuklay parin


"Isa pa daisy! Sana makalbo ka.. Kanina kapa suklay ng suklay jan sa balahibo mo! " inis na sabi rosie umirap pa ang pusa

Nakakapagtaka lang kasi, nung dumating si Ennata sa bahay kanina na lumitaw na lang bigla ay hinang hina siya, may dugo ang uniform niya, may pasa at sugat siya at isa yung buhok niya gupit-gupit, parang bata ang gumupit sa buhok niya.

Nagulat na lang kaming lahat, lalong lalo na ako sa itsura ni Ennata. Tinanong namin siya kung ano ang nangyari ang sagot niya Nag P.E daw sila at pagod lang daw siya. Diba? Sinong tanga ang maniniwala sa sagot niya kung makikita mo siyang ganun? Ay oo nga pala meron sila rosie.. Tss

"Baka may nangyayari na kay ennata sa school nila hindi niya lang sinasabi" sabi ulit ni daisy na umaawra na sa salamin

Napabangon naman ako sa sinabi ni daisy, baka nga meron..
"Baka nga meron tapos pinalalagpas lang niya ito, alam niyo naman si ennata hindi niya hahayaang masaktan ang kaibigan niya at sarili niya pwera na lang kung may gusto itong malaman o patunayan" sabi ko sa kanilang tatlo this time napaupo naman ako

Sa tagal ba naman namin magkakakilala, ay daig pa namin ang magkakapatid nila Ennata. Kaya alam na alam namin kung paano gagalaw o gagawa ng isang bagay si Ennata.

"Kailangan natin tulungan si Ennata!" Sigaw ko sa kanila imbes sagutin nila ako binato ako ni rosie ng remote 

"Aaarraayyy! " sigaw ko at hinihimas himas ang ulo ko ang sakit ehh ano kaya ang sinabi kong masama? Wal naman eh

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon