PAHINA 26

58 1 0
                                    

Ennata's Pov

Nakakapagod dahil sa ilang oras akong nakaupo habang nageensayo para sa darating na pagdiriwang.. nakailang hikab na din ako dahil sa antok pero pilit kong nilalabanan dahil sa dami naming ginagawa.

"Ennata can you please get me that scissors" sabi ni misty habang nakatalikod sakin,

Halos lahat kaming mga estudyante dito ay walang pahinga, lahat nagtutulong-tulong para sa pagaayos at paglagay ng dekorasyon sa aming silid-aralan.

"Ito misty" sabi ko sabay abot ng mahabang bagay na may mga numero sa magkabilang gilid. Lumingon sakin si misty, kumunot ang noo nito tsaka napangiti

"Hindi yan, pangsukat yan.. diba itinuro ko na sayo ang tagalog ng scissors?" Sabi niya tumango naman ako. Tumayo siya tsaka kinuha sa lamesa ang sinasabi niyang scissors
"Ito ang itsura ng scissors ennata, iyang hawak mo naman ruler ang tawag o pansukat. Ito scissors o panggupit" pagpapaliwanag niya patango tango lang ako bilang pagsang-ayon

Bumalik siya sa pagkakaupo tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Tumingin ako sa paligid, at sa bawat sulok ng silid ay nagkalat ang mga kaklase ko na may ginagawa din.

"Misty" tawag ko sa kanya hindi niya ako nilingon pero sinagot niya ako

"Ano ang pwede kong itulong? Para mapadali yang ginagawa mo?" Tanong ko

Pansin ko kasing ako lang ang nagbubukod tanging walang ginagawa.

"Tumayo ka na lang jan. Kaya ko naman to" sagot niya, napatameme naman ako dahil sa sagot niya.

"Ayaw mo bang tulungan kita?" Tanong ko ulit. Umiling lang siya bilang sagot.

Ano kaya pwede kong gawin?

Tanong ko sa isip ko. Dahil lahat na sila tinulungan ko at pinagtanungan ngunit lahat sila ay tumanggi.

"Misty" tawag ko ulit sa kanya
"Oh?" Sagot niya pero hindi parin tumitingin sakin
"Labas lang ako hah?" Pagpapaalam ko, tumingin naman siya sakin ng may halong pagtataka
"Bakit?" Tanong ko sakanya

"Wala kang magawa noh? Sige aliwin mo na lang ang sarili mo, pasensya na hindi kita masasamahan, kailangan ko ng tapusin to" sabi ni misty sakin

"Ayos lang, mukha namang wala akong maitutulong sainyo, dahil alam na alam niyo ang gagawin niyo at kayang kaya niyo na din" sabi ko din sakanya

"Sige ennata, pasensya na talaga. Babawi na lang ako pagkatapos nito" sabi niya tumango na lang ako sakanya at ngumiti.

Kumaway na lang ako sakanya bilang paalam. Sa paglabas ko akala mong walang estudyante dito sa school. Sinimulan ko na ang paglakad ko. Sa bawat silid na madadaanan ko ay puro may ginagawa. Dumaan ako sa canteen, pero wala pa ding estudyante. Dumaan ako sa football area, pero walang naglalaro. Lahat ng nadaanan ko ay puro abala sa gaganaping foundation day.

Ang tahimik

Sabi ko sa isip ko, habang naglalakad patungo sa building na pinuntahan namin ni misty nung bago bago pa lamang ako dito.

Sigurado ako wala ding tao dito, kaya panigurado ako lamang ang tao dito.
Sa pintuan pa lamang ng building ay halata mo nang walang sinuman ang nagtangkang pumasok dito.

Hmm? Dahil magisa lamang ako dito bakit diko hmm oo tama!

Sabi ko sa isipan ko, ito na naman ako nagsisimula na naman akong kausapin ang aking sarili.

Sinarado ko ang higanteng pintuan ng building. Tsaka ko sinimulan ang pagdedekorasyon.

Ikinumpas ko ang aking kanang kamay, upang lumikha ng buhay na hangin dito sa loob, sinundan ito ng mga ibon, na nagsimula na ding humuni. Ikinumpas ko ang kaliwa kong kamay upang linisin ang building, pagkatapos sabay kong ikinumpas ang aking mga kamay upang bigyan ng bagong kulay ang buong building..

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon