PAGLILIGTAS II

132 7 0
                                    

Tinahak namin ang isang madilim na daan pero sa dulo nun ay may liwanag, kabado ako sa bawat kilos na ginagawa ko.

"Ito yung entrance papasok, tapos sa kabila naman ang exit kaya tara na" pagpapaliwanag muli ni misty

Medyo nabawasan ako ng kaba dahil sa sinabi niya, naglakad kami papunta sa liwanag na tinutukoy ko. Ng makalabas na kami ay bumungad sakin ang dami ng taong nanonood sa sinasabi ni misty na basketball, may mga iba't iba silang hawak, lalo akong naingayan.

"Tara na" pagaya ulit sakin ni misty,

Naglalakad kami upang makahanap ng upuan, at ito na naman ako kakaibang atensyon na naman ang natanggap ko.

"Bakit ba ganyan yung kulay ng buhok niya? "

"Lumot siya sa buhok HAHA! "

"Hindi, lumot talaga ang buhok niya HAHA! "

" kasama niya pa yung nerdy girl, bagay sila parehas silang abnormal"

Bulungan ng mga taong nadadaanan namin. Napansin ko si misty na huminto kaya nilapitan ko siya

"Okay ka lang? " tanong ko.

"Akala ko pati pagcomfort di mo alam, syempre okay lang ako" sagot niya
Sinabi niyang okay lang siya pero ramdam ko ang lungkot sakanya

"Teka, comfort? " tanong ko, diko talaga alam yun, tumawa na naman si misty, bakit kada tanong ko natatawa siya

"Comfort, parang ganitong ginagawa mo" sagot niya nakuha ko naman yung ibig niyang sabihin yun pala ibig sabihin nun.

"Hoy! Di namin makita"

"Lamang na yung kalaban nila drake"

"Umalis kayo jan , di namin mapanood"

Sigaw ng tao samin. Umalis naman kami agad ni misty doon sa totoo lang gusto kong gawing palaka lahat ng mga yun kung pwede lang.

"Tara dito tayo sa bleachers, bakal na upuan to na hiwalay sa mga inuupuan nila, upo na tayo mas magandang manuod dito" saad ni misty.

Mukhang maganda nga ang laro, dahil ramdam ko ang tensyon. Narinig ko yung sinabi ng isang babae kanina lamang na daw yung kalaban nila drake. Sino kaya yun? At bakit tila nanghihinayang sila? Di ko napigilang itanong yun kay misty

"Misty,sino ang tinutukoy nilang drake At bakit naiinis sila dahil lamang Daw ang kalaban nila? "

" ahh si drake yung basketball player ng lion hunters, lamang na yung kalaban kasi nakapuntos yung team ng kalaban" agad naman niyang sagot

"Sino si drake? " tanong ko ulit

"Siya yung lalaking nakasimangot lagi, yung lagi magulo yung buhok" sagot niyang muli

"Ahh" pagkukuntento kong sagot

"Bakit? " tanong niya naman sakin

"Wala, tinanong ko lang kasi yun lagi sinisigaw nila" sagot ko.

Sobrang ingay masakit sa tenga pero kakaibang saya yung naramdaman ko. Yung tensyon na tinatawag nilang enjoyment yun yung nararamdaman ko. May ganitong laro din kami sa zaouns. Masaya talaga ang larong ito. Pinapanuod ko ang bawat galaw ng manlalaro magagaling silang lahat. Kaso nga lang nagkamali ng pasa yung kabilang manlalaro malakas ang paghagis niya akala ko masasalo pero dahil sa sobrang lakas ay sa ibang lugar ito mahahagis, sinundan ko kung saan pupunta ang bola at ng makita kong may tatamaan ng bola...

Walang kung ano ano ay pinahinto ko ang oras, alam kung mali dahil sinuway ko ang aking ama, ngunit ano ba naman kung gagamitin ko naman ito sa kabutihan. Kalkulado ko ang bilis at lakas ng bola kung ito ay hindi mapipigilan maaaring masaktan ng sobra ang taong tatamaan nito. Sa zinea, mga bata pa lamang kami ay inaaral na kami pagdating sa kalkulasyon.

Lahat ng tao ay nahinto maski ang oras. Ako ang komokontrol nito kaya ako lang ang pwedeng kumilos. Bumaba ako mula sa bleachers, at pinuntahan ang bola, inilayo ko ito sa babaeng tatamaan at inihagis ko sa itaas sa may parang may lambat at may metal nakabilog dito. Inilayo ko din ang babaeng tatamaan. Matapos nun ay bumalik na ako sa bleachers kung saan ako ay umupo.

Pagkaupo ko ay ibinalik ko sa dati. Pagbalik sa normal ay bigla na lamang nagsitayuan ang mga tao at sumigaw ng sobrang lakas, maski si misty ay napatayo.

"Misty ano ang nangyayari? Bakit kayo tumayo at lubhang masaya kayo?" Tanong ko kay misty

"Ennata nanalo ang koponan nila drake" masayang banggit ni misty, diko maintindihan paano?

"Ahmm. Pero paano? " tanong ko

"Nang ipapasa ng kalaban ang bola,imbes na sa kakampi niya  naishoot niya sa ring nila drake" masayang pagpapaliwanag niya

"Nai--ssshoot? Ring?" Hindi ko talaga alam ang terminong ginagamit niya sa pagpapaliwanag

Nagbuntong hininga muna siya bago siya magsalita muli, tapos nun ay ngumiti

"Naipasok ng kalaban yung bola doon sa ring na yun" saad ni misty, habang tinuturo ang ring na sinasabi niya , tiningnan ko naman kung ano yun

"Yan ring ang tawag doon ennata, doon naipasok o naishoot ng kalaban ang bola kaya pumuntos ng dalawa ang koponan nila drake" pagpapaliwanag niyang muli

Ngayon alam ko na, doon ko pala naipasok ang bola kanina. At ring pala ang tawag nila doon. Parang nakaramdam ako ng saya dahil sa nangyari. Diko maintindihan pero masaya ako.

Nagtipon tipon ang mga tao sa baba, winawagayway ang mga bandilang hawak nila.

Ang nanalong koponan ay nasa gitna din, hawak ang tropiyo masaya silang lahat . Nakakatuwa silang pagmasdan. Namukaan ko din ang lalaking nasa gitna mismo ng koponan niya, siya yung lalaking unang pumasok nun, hinanap ko din ang nagngangalang drake, nasa gilid lamang siya, hindi siya ngumingiti, napakaseryoso niyang tingnan. Parang hindi siya masaya sa pagkapanalo nila.

"Ennata tara na" pagaaya ni misty, nakababa na kami sa bleachers

Di na namin nagawang lumapit dahil sa mga taong dumumog sa koponan na nanalo. Hindi rin magagawa ni misty dahil sa hiya. Kaya lumabas na lamang kami ng covered gym

"Misty? " tawag ko sa kanya , huminto siya sa paglalakad at tinaasan ako ng layki

"Nais ko lamang magpasalamat, dahil sa mga itinuro mo saaking mga salita ngayon, marami akong natutunan sayo"

Lumapit sakin si misty at hinawakan ang balikat ko, tsaka ako tiningnan sa mata

"Hindi lamang yan ang dapat mong matutunan, dapat makasabay ka sakanila ennata. Masyadong delikado ang mundong ito lalo na sayo" seryoso niyang sabi

Parang kakaiba ang dating sakin ng mga salitang iyun, parang hindi si misty ang kaharap ko. Parang may gusto siyang ipahiwatig.

Inalis niya ang pagkakahawak sa balikat ko, iniwasan niya din ang aking mga tingin. Tsaka siya tumalikod sakin

"Ano ang ibig mong sabihin? " Pagtataka kong tanong

"A-ah ang ibig kong sabihin, dapat matutunan mo lahat ng di mo alam na salita, baka kasi ano mangyari sayo. Alam mo na? Maraming taong masama" sagot ni misty na may pagkautal

"Ahh ganun ba? Gagawin ko lahat para matutunan lahat yun" sagot ko sakanya

Tama si misty, ganun din ang sabi ni ama. Kaya gagawin ko ang lahat upang matuto ako. Humarap sakin si misty ng may ngiti sa labi

"Pero huwag kang magalala ennata, andito ako para tulungan ka, kaya tara na doon" saad niya

Malaki ang pasasalamat ko dahil may taong lumapit sakin upang tulungan ako, buong buhay kong pasasalamatan ang taong ito, at gagawin ko ang lahat upang maging mabuting tao sakanya at kaibigan...

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon