PAHINA 40 Elora

4 0 0
                                    


Ennata....

Ennata....

Ennata....

Dito ennata...

Boses ng isang babae ang tumatawag sa ngalan ko na tila ba ay inaaya ako sa kung saan.

Ennata....

Ennata....

Kaibigan ko..

Tila tumagos sa kaibutaran ng puso ko ng tawagin nya akong kaibigan.. Naglalakad ako sa isang kakahuyan na walang ibang nilalang kundi ako lamang..

"Sino ka? magpakita ka"

Ennata nandito ako..

"Saan? di kita makita"

Patuloy lang ako sa aking paglalakad ng biglang may liwanag ang bumungad sa harapan ko.

Dito ennata..

Nagulat ako mula sa kinatatayuan ko ng may isang babae ang nagpakita.. Mahaba ang buhok na kulay puti, maging ang kanyang kasuotan ay kulay puti, sa bandang kanan ng kanyang kamay ay may hawak syang isang malaking plauta.

"e-elora?" pagtawag ko sa ngalan niya. 

"oo ennata ako to.." sagot nya

Halos hindi ko mapigilan ang aking luha na pumatak dahil sa kagalakan na makita muli ang aking kaibigan na matagal ko ng hindi nakikita. Sa kadahilanang sobrang sabik ako na makita syang muli di ko na napigilan pang yakapin sya mahigpit. 

"Bakit ba bigla ka nawala ? bakit 'di ka man lang nagpaalaam sakin?" mga tanong na lumabas saking bibig 

"Ang mga nangyari noon ay may kasagutan sa kasulukuyan ennata" sabi niya

"Ano ba sinasabi mo ? Hindi kita maintindihan" sabi ko habang umiiyak

Hinihimas niya ang aking buhok paraan para mapatahan ako at nagtagumpay siya

"Nais mo ba pumunta sa batis?" tanong niya sakin

"saan?" tanong ko nang kumalas ako sa pagkakayakap sakanya

"Halika" pag-aaya niya sakin

Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako hinilang maglakad

Sobrang sabik na sabik ako sa pagkakataong ito dahil ganitong-ganito kami dati naglalaro sa kakahuyan at kung anu-ano pang kasiyahan na aming ginawa.

Hindi gaano kalayuan ang nilakad namin papuntang batis.

"Ubod ng ganda ang batis dito elora!" galak na galak kong sabi kay misty ngumiti lamang sya sakin.

Nangniningning ang tubig sa batis dahil sinag  ng haring araw. Ang hangin na pumapalibot sa paligid ay kay sarap langhapin maging ang mga dahon ng mga puno ay nagsasayawan.

Sa isang malaking bato kami umupo ni misty, tulad ng dati nagpatugtog si elora ng isang kamangha manghang musika. Ang sarap pakinggan, nakakagaan ng pakiramdam.

Sa kalagitnaan ng kanyang musika tumulo ang mga luha ko. Nakatingin lang ako kay elora na nakapikit habang nagpapatugtog gamit ang kulay ginto niyang plauta. Hindi ko napigilan ang hikbi ko kaya napatigil si elora.

"Bakit ?" tanong niya

" Sana tulad na lang tayo ng dati.. Masaya, malaya at mapayapa ang paligid." sagot ko

"Mangyayari ang nais mo ennata, may mga bagay na hindi mo nagagawa?" tanong niya

Mas naiyak naman ako sa tanong niya. 

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon