PAHINA 35 - Unang pakikipaglaban

67 1 0
                                    

Ennata's pov

Patibong yun. At hindi biro. Nung tinitingnan ni drake ang butas, may narinig ako ng mga alingawngaw ng hayop. Kakaibang ingay, nakakatakot, nakakakilabot.

Kaya agad kong pinaalalahanan si misty na kailangan na naming mag-ingat.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, bawat madadaanan namin ay sinisigurado muna namin kung wala ng patibong doon. Magkahawak kami ng kamay ni misty.

"Ano ba to, hindi tayo ganun makakilos dahil sa posas na to satin. Dapat kasi tayong dalawa ang magkapareha eh" reklamo sakin ni misty

"Ganun talaga hindi natin hawak ang tadhana natin, pero ang alam ko magiging mabuti ang balik nito satin" sabi ko sa kanya

Totoo yun, sabi sakin ng aking ina  na kapag tinanggap mo yung binigay sayo ng tadhana magiging mabuti ang balik sayo.

Huminto kami sandali para magpahinga nang biglang..

"ENNNAAATTAAA!!" Sigaw ni misty
Habang kami ni drake ay kasalukuyang nahuhulog.

Makalipas ang ilang sandali..

Bumagsak kami sa isang makating bagay pero malambot. Medyo malalim din ang pinaghulugan naming dalawa ni drake.

"Drake?" Tawag ko sa pangalan ni drake

"Can you please get up now?!" Dinig ko sa boses ni drake na nasa likuran ko

Kaya napabulalas agad ako. Siya pala ang nahigaan ko kaya pala malambot.

"Paumanhin drake" sabi ko ngunit siya nanatiling nakaupo

"Saang butas naman kaya tayo nahulog?!" Sabi niya na medyo naiinis

"Hindi ko alam, pero sa mismong kinatatayuan natin kanina tayo ay nahulog" sabi ko, tinaasan niya lamang ako ng kilay

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko agad
Dahil ramdam kong may iniinda siyang masakit

"Yes Im okay" sagot niya tapos ay tumayo na siya

"We need to find the exit and we must hurry" sabi niya tapos ay sinimulan na namin ang paglalakad

Hindi pala malambot ang pinagbagsakan namin, kundi kumpol ng mga talahib na sobrang kati sa balat. Kaya sigurado akong nasaktan si drake idagdag pa ang pagkakadagan ko sa kanya.

Naglalakad kami, nang hawakan ko ang kanyang likod, nakita ko ang mga parte na masakit sa kanya. Nagulat siya at magtatangka pa sanang magreklamo nang sinabi kong

"Magiging okay kana" sabi ko

Ilang segundo din siyang hindi nakapagsalita. Ngunit ramdam ko ang kaginhawan sa kanyang katawan, hinaplos ko ang kanyang buong likod, maging ang kanyang mga braso at kamay. Sinusundan niya lang ang bawat paghaplos ko sa katawan niya. Nang matapos ako nanatili siyang nakatingin sakin kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"May lahi kaming manghihilot" pagrarason ko para 'di sya magtaka.

"Did you know? Ikaw pa lang ang nakakahawak sa mga parte ng katawan ko?" Bigla niyang tanong na hindi ko naman napaghandaan kaya umiling na lang ako

"Well, alam mo na" sabi niya sabay lakad dahil sa nakatali ang mga kamay namin, nahatak na din ako.

Nangibabaw na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ni kahit anong salita ay walang nagtangkang lumabas sa aming mga bibig simula kanina. Ngunit sa paglalakad namin may kakaiba akong presensyang naramdaman, nasa paligid lang namin to.. at marami sila..
May kung anong takot ang naramdaman ko. At bigla na lamang may pumasok sa aking isipan na para bang nanaginip ako

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon