PAHINA 23

94 3 0
                                    

Ennata's POV

Lagi kong iniisip kung itutuloy ko ang aking balak. Minsan pumasok sa isipin ko na huwag na lang dahil wala namang magbabago. Pero mas nananaig sakin na ituloy ang naisin ko kahit umaasa.

Imbes na gumamit ako ng kahit na anong majika ay mas minabuti ko paring magisip ng alternatibong paraan na walang mapapahamak. Kaya ang kaibiganin si drake at ang mga taong nakapaligid sakanya ang tanging solusyon.

"Okay class. Bring out your assignments" sabi ng guro namin or teacher sa english na lenggwahe

Inilabas ko ang aking kwaderno o notebook na naglalaman ng aking takdang aralin o assignment. Dahil sa layo ko kay misty diko magawang makipagusap sa iba dahil siya lang ang tanging malapit sakin sa pangkat nato.

"Who got the correct answer in number one?" Tanong ng teacher namin

Marami ang nagtaas ng kamay maliban sakin. Nagkamali ako sa sagot ko.

"Okay next, please read Ms.Forbes" utos ng teacher namin tumayo agad ako ng tuwid at kinuha ang notebook

Di pako ganun kagaling magbasa ng dayalekto nila pero dahil kay misty natututo ako. Ibubukan ko na sana ang aking bihig ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng silid namin. Ang bawat isa samin ay napalingon sa pintuan..

"Hi guys!" Bungad ni ezekiel ng pumasok ito sa loob nakangiti siyang bumabati ngayon maging sa teacher namin na nakasimangot na

"How's your day classmate?" Tanong niya ulit samin tiningnan niya kami isa isa pero nung mapatingin siya sakin ay nawala ang maliwanag nitong ngiti

"Mr. Ward?!! Please take your seat. We are in the middle of our class" mahinahon pero seryosong utos ng teacher namin sakanya

"Okay ma'am" sagot nito bumalik ang ngiti nito sa labi, naglakad siya papunta sa kanyang upuan habang nakangiti

"By the way Mr. Ward where is Mr. Kennedy?" Tanong nito kay ezekiel

Nagkibit balikat na lamang ito. Kumunot naman ang noo ng teacher namin.

"Anyways, Ms.Forbes please continue" sabi niya sakin, tumango naman ako kaya tinuloy ko ang naudlot kong pagbabasa

Sa bawat salitang mababasa ko ay naiisip ko si drake. Nasan kaya yun ngayon? Bakit di siya pumasok?

----
Ted's Pov (one of the seven cats)

"Ted! Napakadrama mo. Samahan mo na kasi kami!!" Matinis na sigaw ni rosie sakin

Kagabi pa niya ako kinukulit silang dalawa ni daisy pero yun sumuko na pero itong ate niya ayaw patinag. Ang sarap ibenta para gawing siopao. Nakakairita ang matinis niyang boses.

Hinayaan ko lang siya na sundan ako habang sigaw siya ng sigaw sa gwapo kong pangalan.

"Ayy langhiya! Magpapahabol pa talaga?!" Halata sa boses ni rosie na iritang irita na pero diko siya nilingon nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang

"Dapat pala kanina ko pa ginawa to nang hindi na ako pinagpawisan kakahabol sayo" kuntentong saAd ni rosie sakin

Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya, at nakagapos ang aking mga kamay at paa Ayy mga paa pala dahil hindi pa pala ako tao.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo?" Walang gana kong tanong

"Hmm, samahan niyo kami ni daisy na kumalap pa ng impormasyon tungkol sa mga nabanggit niyong apat" paglalahad ni rosie

Minsan nakakainis din talaga ang mga babae, kapag seryoso ang sinasabi mo sa kanila ayaw nilang maniwala, kapag naman ayaw mo ng pagusapan tsaka aarte nang parang interesado na sila hayssstt.. napapailing na lamang ako

"Kalagan mo muna ako rosie" utos ko kay rosie

"Ayoko nga, baka paghabulin mo na naman ako sayo. Kaya mas mainam na malaman ko muna ang sagot mo" sagot niya sakin

Isa pang problema sa mga babae napakademanding haneeepppp

"Sasagutin ko nga, kalagan mo muna ako. Kung ayaw mo, bahala kayong maghanap. Kahit nandito lang ako" sagot ko din sakanya

Nakatingin siya sakin ng seryoso, inirapan ko naman siya, nakita kong tinaasan niya ako ng kilay.

"Ayan na! Ohh ano?"

Tiningnan ko muna kung nakakalag talaga ako, nang nasigurado ko na tsaka ako tumayo ng maayos at umubo, syempre paseryoso effects dagdag appeal din yun

"Mamayang alas dose ng gabi sa may park na pinuntahan natin nila ennata, doon tayo magkita." Seryoso kong Sabi sabay walk out ulit , naiwan si rosie dun na nakatayo. Ngumiti naman ako, mukhang napogian na ata siya sa akin HAHAHAHA!
-----

Ennata's PoV

Pagtapos ng klase ay pumunta ako sa isang room kung saan nakita ko si drake, pero pagpunta ko doon ay walang tao. Ngayon ay nandito ako sa library. Mas naisipan ko na lang na pumunta dito at magbasa ng mga english books, para ng sa ganoon ay mas lumalim pa ang aking nalalaman sa lenggwaheng yun.

Naglalakad ako sa maliit na pasilyo sa pagitan ng naglalakihang lalagyanan ng mga libro, naghahanap ako ng librong maaaring mapagaralan ko, habang papalapit ako sa dulo, may naririnig akong ingay. Habang mas lumalapit ako ay lumalakas pa itong lalo.

Sinubukan kong kilalanin ang ingay na naririnig ko. At napagtanto ko na ingay ito galing sa tao, ito ang tinatawag nilang hilik. Nang narating ko ang dulo ay may nakita akong paa. Sinilip ko ito, at nakita ko ang isang lalaking natutulog sa sahig habang nakatakip ang libro sa kanyang mukha.

"Marahil ay nakatulog siya habang nagbabasa ng libro" pabulong kong sabi

Tatanggalin ko sana ang libro nang gumalaw ang kanyang paa

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon