PAHINA 33: MAGKAPAREHA

66 1 0
                                    

Ennata's POV

Hanggang ngayon ay nasa ikaunang  lebel parin kami ng maze, hanggang ngayon wala parin kaming nililikuan para makalabas dito.

"Im so tiirreed broo" pagod na pagod na sabi ni ezekiel kay drake habang nakakapit ito sa balikat

"Sit down and rest" malamig na sabi ni drake kay ezekiel

"I don't want, what if Kung makatulog ako.. kaya nooo!" Pagtanggi ni ezekiel

"Then don't" walang gana na sagot no drake tsaka niya ito nilayasan.

Ang haba-haba na ng nilalakad namin, halos paulit-ulit lang na daan ang tinatahak namin.

"Ennata nauuhaw na ako" sabi ni misty

Pati si misty pagod na din, nauuhaw pa ito. Wala naman kaming dala na kahit ano dito sa loob maliban na lang sa binigay samin kanina.

Ano kaya gagawin ko?
Ahh alam ko na..

"Teka meron ata ako dito" sabi ko kay misty habang kunyari ay may tinitingnan sa lalagyanan kong dala

Ilang salita lang ang aking binigkas para magkaroon ako ng isang boteng tubig.

"Ito ohh, uminom kana muna" alok ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin tsaka niya kinuha sa kamay ko ang tubig.

Tiningnan ko naman si ezekiel na nakaupo na sa gilid na halatang pagod na pagod. Sa awa ko ay binigyan ko na rin siya ng tubig.

"Thank you" sabi ni ezekiel sakin

Hinanap naman ng mga mata ko si drake, di pa nagtagal ay nakita ko siya. May kung ano siyang hinahanap sa mga halaman na pader. Nilapitan ko siya at itanong.

"Ano ginagawa mo?" Tanong ko, lumingon siya sakin at tiningnan muna ako ng matagal tapos bumalik ulit siya ng tingin sa hinahanap niya. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita

"Naghahanap ako ng pwede nating susi para makalabas dito" sagot nito

Nagtanong naman ako ulit

"Bakit? Maaari ba nilang lagyan ito ng iba pang daan? " akala ko hindi na siya sasagot pero nagsalita ulit siya

"As usual, this is a booth, hindi sila pwedeng gumawa ng ganito ng hindi nagkakaroon ng thrill" paliwanag niya

"Thrill?" Tanong ko

"Thr--" pinutol niya ang sinabi niya tapos ay tiningnan na naman ako

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Tanong nito

"Dahil hindi ko alam" sagot ko

"Well kung hindi mo alam, tulungan mo na lang ako maghanap dahil walanh mangyayari kung magtatanong ka ng magtatanong, tsss" sabi nito

Napangiwi naman ako totoo naman kasi ang tinuran niya.

"Ganun ba?" Sabi ko

"Nagtatanong ka na naman!" Sigaw na nito. Kaya umalis na ako sa harapan niya.

Naglakad ako papunta kay misty na nakaupo na din sa gilid.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon