PAHINA 3: Hindi magandang pagkikita

124 5 0
                                    


"Ang pogi talaga ni papa drake ano?"

"Oo sinabi mo pa, kahit na lagi siyang serious"

"Ang pogi niya dito sa shot na to ohh"

"Ay oo Nung nagchampion siya sa swimming competition"

"Naging ganyan lang naman siya nung nagbreak sila ni anne diba? "

"Oo nga, masama daw yung pagbbreak nila"

Mga bulungan ng mga kamagaral ko, may pagsusulit kami ngayon, sa nagdaang linggo, kailangan daw malaman ng guro namin kung may natutunan ba kami sa mga leksyon na itinuro niya. Pero itong mga kamagaral kong babae ay tsismis ang inaatupag imbes aralin ang mga sinulat nila sa kwaderno nila.

Ikaapat na linggo ko na dito sa Sheehan University, at dahil sa tagal ko na dito marami na ang nadagdag sa kaalaman ko, maging ang pananalita nila ay nakuha ko na rin, yung mga terminong sinasabi nila ay naiintindihan ko na din. Apat na linggo na din kaming magkasama ni misty, at dahil sa kanya lahat yun.

Sa apat na linggo ko dito sa unibersidad na ito ay, marami akong nakilala, ipinakilala sakin ni misty hindi sa personal ahh. At ang unang nakilala ko ay si drake kennedy. Sa mga binanggit ni misty sa kanya, halatang nakakatakot ang taong yun pero dagdag sa mga sinabi niya ay number one hottie daw ang lalaking yun.

At kung di ako nagkakamali, siya ang pinaguusapan ng mga babaeng kong kaklase sa unahan. Mga nakaupo pa sa lamesa.

Hindi ko naman sinasadyang pakinggan ang mga sinasabi nila, masyado lang talaga malakas ang mga bibig nila kaya naririnig ko dito sa dulo. Nagaaral talaga ako pero pinupukaw ng mga tenga ko ang sinasabi nila. Gusto ko na sana umalis kaso lang ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase.

Labing limang minuto ang lumipas

"Okay get your paper and ballpens" isang boses na umalingawngaw sa buong silid

Nagulat ako sa sigaw, iniangat ko ang aking ulo, at tiningnan ko ang paligid, lahat ay nakaupo na, may mga papel at ballpen na sa lamesa nila. Tiningnan ko din ang babaeng nasa harapan, yung guro pala namin.

"Kopyahin niyo ito sa papel niyo at sagutan" utos ng guro namin habang nagsusulat sa pisara

"Ang mataas ang makukuha, exempted sa susunod na quiz" dugtong niya ng matapos ang kanyang isinulat.

Malakas ang kompyansa ko sa sarili ko, dahil inaral ko mabuti ang mga leksyon na isinulat ko sa kwarderno ko. Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag. Inilagay ko sa lamesa pagkakuha ko at nagsulat

Habang nagsusulat ako, parang gusto kong tumingin sa kanan ko. Kaya tumingin ako. Natutulog siya, habang may earphones sa tenga, nakaharap ang mukha niya sa kinaroroonan ko. Parang ang layo naman ng sinasabi ni misty sa kanya, napakaamo ng mukha niya, yun nga lang ay mabigat ang enerhiya sa katawan niya at nababalutan siya ng itim na awra.

"Ennata! Tumingin ka sa papel mo! " sigaw ng teacher namin, nahuli niya akong nakatingin kay drake .

Pinuntahan ako ng teacher namin at tiningnan ang papel ko. Kinabahan ako dahil baka isipin ay nangongopya ako.

"Dito ka lang tumingin, hindi di-" natigil siya sa sinabi niya ng makita si drake na natutulog

Binatukan niya ito kaya gumising sa pagkakatulog si drake, hinawakan niya ang kanyang batok at tsaka tumingin kay teacher na masama na ang tingin sa kanya.

"Mr.kennedy! Hindi tulugan ang klase ko! " sigaw ng teacher namin kay drake

Naagaw ng sigaw ni teacher ang atensyon ng mga kaklase ko kaya lahat sila nakatingin sa kinaroroonan nila teacher.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon