PAHINA 13

93 3 0
                                    

Matapos ang klase

lalabas na sana kami ni misty ng silid ng may tumawag sa pangalan ko

"ENNATA! " sigaw ng isang lalaking kilala ko nilingon ko ito

"Hindi kapa nakakaexperience ng enjoyment dito sa school noh?" Sabi ni ezekiel diko maintindihan ang sinabi niya ,mukha napansin naman ni misty

"Nakakaranas ng kasiyahan dito sa paaralan" bulong niya

"Ano ang ibig mong ipahiwatig ezekiel? " tanong ko sa kanya

Nakaupo parin si drake sa upuan habang nakataas ang dalawa niyang paa sa lamesa, si ezekiel naman ay nakaupo sa lamesa ni drake.

"Nothing, this day would be the first day of your happiness"nakangiti nitong sabi

Nakakainis dahil diko naintindihan masyado ang sinabi niya sa wikang Ingles. Mabuti na lang ay nandito si Misty.

"Simula na daw ng masasayang araw mo dito sa school" medyo may nginig na sa tono ng boses ni misty kumapit ito sa aking braso

"Kung ganoon, magiging masasaya din kayo sa araw na ito" matapang na sagot ko lalong humigpit ang kapit sakin ni Misty

"Well, ang panget ng kulay ng buhok mo, kulay lumot tsaka alam mo bang bawal yan dito sa school?" Sabi ulit ni ezekiel na may Mapangasar naman na tono

Nagbuntong hininga ko, kinakabahan na ako.

"Bakit naiinggit ka? Bakit dika rin magpakulay ng ganito? " inasar ko din siya natutunan ko ang mga salitang binitawan ko dahil kila rosie.

Halatang nainis si ezekiel, dahil nagbago ang tingin nito sakin at natahimik, kaya matapos nun ay binuksan ko na ang pintuan ng silid, una akong lumabas sumusunod sakin si Misty. Paglabas ko may bigla na lang may bumuhos sakin mula sa itaas na kulay itim at ang baho nito.

"ENNATA!" Sigaw Misty

Narinig kong may humalakhak sa loob, maging dito sa labas ang mga estudyante ay pinagtatawanan ako. Mukhang inabangan nila ang insidente na ito

"Sabi nga sayo ni ezekiel, magpakulay ka, hindi maligo ng lubak sa kanal HAHA!" Sabi ni drake sakin na nasa harapan ko mismo tumatawa ito

"Naiinggit na ako sayo ennata
HAHA! " mapangasar na bungisngis ni Ezekiel tsaka sila naglakad palayo ni drake

Ang baho!

Atleast di na kulay lumot ang buhok niya HAHA

Dagdagan pa nga natin !

Sabi ng tatlong babae sa harapan, binuhusan pa nila ulit ako dahilan para maligo ako sa lubak.

"Tama na nga yan! " pagpipigil ni Misty sa tatlo

"Okay! Don't touch me ugly weirdo! " maarteng sabi ng babae habang umiiwas pa kay Misty

Magkaiba man ang pinanggalingan ko hindi parin nagiiba ang emosyon na nararamdaman ko sa mundo nila, kahihiyan ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi sumagi sa isip ko na magagawa nila ito. Gusto kong gumanti sa paraang gusto ko pero hindi tama na gawin ko yun..

"Tara ennata sa shower room, maligo ka doon, NAPAKAWALANG HIYA! Talaga ng may gawa nito sayo" inis na sabi ni Misty habang inaalalayan ako maglakad

"Misty, ito ba ang sinasabi mo na magiging delikado ang buhay ko sa school? " mahinahon kong tanong kay misty

"Umpisa pa lang ito Ennata" malungkot na sabi ni misty

"Ganoon ba?hindi ko akalain na magagawa nila ito" malungkot kong sabi kay misty

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon