Pahina 32

70 3 0
                                    

Ennata's POV

"Ennnaatttaa!!" Sigaw sa pangalan ko ni misty

"Bakit?" Bungad ko sa kanya nang makarating siya sa kinaroroonan ko

Inaasikaso ko kasi yung mga pangalan na nais sumali sa aming booth. Bilang nasa sekondarya ang aking baitang, isang art booth ang amin, kung saan bubunot ang kalahok ng kanyang gagawing art pwede niyang mabunot ang paggawa ng mukha ng tao gamit ang kahoy o di naman kaya umarte.

"Kasali tayo sa maze booth" sabi nito na hinihingal pa.

"Maze booth? Ano naman yun?" Tanong ko

"Ganito yun, alam mo yung snake puzzle na laro? Diba naglaro tayo nun?  So ganun lang yun, kailangan makalabas tayo within sa time na ibibigay, kaso nga lang may twist sila kada sulok kasi ng maze may mga pwedeng mangyari" pagpapaliwanag niya

"Ganun ba? Hindi ba mahirap yun?" Tanong ko ulit habang inilalagay sa lalagyanan yung mga papel na sinusulatan ko kanina

"Oo, medyo pero basta exciting yun!"

"Eh teka paano tayo nakasali doon?" Tanong ko na naman
"Eh diba mayroon tayong ginagawa dito, maya maya lang din ay magsisimula na tayo" dagdag ko

"Alam mo ennata" bungad niya habang hinawakan  niya ako sa braso
"Hindi porket may booth din tayo dito hindi na tayo sasali sa iba, marami naman tayo tsaka isang buong klase ang naka assign dito hindi lang tayong dalawa" dagdag nito

Napatango na lang ako sa sinabi niya, wala naman kasi alam sa patakaran nila dito dahil ngayon lamang ako nakatungtong sa mundong ito. Kaya hinayaan ko na lamang ang sarili ko na magpahatak sa kanya.

Nagdaan kami sa madaming tao, wala siyang paki kung sino ang aming makakabangga, talagang maikukumpara ko siya sa kaibigan ko.

"Okay ennata we're here" sabi niya ng matapatan namin ang isang booth na sobrang ganda dahil sa ayos ng pagkakadesenyo nito.

"Ganda" salitang nabikas ko na lang bigla

"Okay are you ready ennata?" Tanong sakin ni misty

Tumango lang ako sakanya matapos nun ay naglakad pa kami papunta doon sa rehistraduhan ng mga sasali. May mga naitanong si misty doon sa nakaupo doon.  Pero hindi na ako nakinig dahil sa pagkamangha ko sa booth.

"Oy ennata, apat daw tayong papasok doon" sabi sakin ni misty

"Sino daw? " tanong ko naman sakanya

Nagkibit balikat lang si misty. Pinagilid lang kami nung nakaupo kanina sabi pa ay hintayin daw namin yung dalawa pang makakasama namin. Ilang minuto pa kaming nakatayo doon, bago nagtanong si misty sa naka-assign sa register. Habang bumalik naman si misty dun ay siya namang umingay sa paligid. Nilingon ko ang mga babaeng hindi magkamayawan sa kakasigaw.  At dahil sa alam ko na dalawa lamang ang maaaring dahilan nun hindi ko na pinansin.

Nung tiningnan ko si misty, siya namang pagsulputan ng mga babaeng kung saan, at ang sanhi ng kaguluhan ay nasa gilid ko na. Tinitingnan niya ako na akala mo ako ay kanyang sinusumpa. Ngunit hindi ko ito pinansin.

Sa tindig ng lalaking ito at sa magandang wangis ng kanyang mukha hindi talaga maipapagkaila na karapat-dapat siyang pagkaguluhan. Mayroon siyang sapat na tangkad na naaayon sa kanya. Gayunpaman, hindi yun sapat yun kung masama naman ang budhi. Nakatayo lamang kaming dalawa na parehas na may hinihintay ngunit ang mga babaeng kanina pa humihiyaw ay hindi parin umaalis,

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon