PAHINA 12

92 4 0
                                    

Kinabukasan

Nagmadali ako sa pagpasok dahil mahuhuli na ako sa pagsusulit namin. Anong oras na din kami nakauwi ni ted kagabi pero di kaagad ako nakatulog dahil nagbasa pa ako ng mga libro. Hindi na rin ako nagpahatid gamit ang sasakyan dahil nagmamadali ako kaya naglakbay ako gamit ang hangin at paglaho upang mas mabilis ang pagdating ko.

Papasok na ako sa may gate ng matanaw ko si misty na pababa ng kotse nila. Sumigaw ako para mapansin niya at di naman ako nabigo dahil tumingin siya sa kinaroroonan ko, wala na siyang benda sa ulo, tumakbo ito papalapit saakin.

"Late ka din?" Bungad na tanong niya sakin

"Ahh oo, ginabi ako sa pagbabasa" sagot ko agad

"Ah ganun ba? Tara sabay na tayo pumasok" pagaaya niya sakin

Masaya ako dahil okay na si misty, may makakasama na ulit ako sa eskwelahan. Sana walang mangyari ngayon.. Sana .. Naglakad na kami papasok sa loob. Sa pasilyo pa lang ang dami ng magaaral..

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay misty napakunot siya ng noo ibig sabihin di niya alam

"Magtatanong ako sandali" sabi sakin ni misty at iniwan ako sandali

Ang sama ng tingin ng mga estudyante sakin dito, parang napakabigat ng kasalanan ko sakanila para bang pinaparusahan ako ng mga masasama nilang tingin

"Ennata! " sigaw ni misty
"Oh bakit? " tanong ko sa kanya
"Tara sa announcement board, doon daw natin malalaman" sabj niya sakin

"Mukhang masama ang kutob ko. Huwag kang lalayo sakin misty" sabi ko sa kanya

"Ano kaba, may announcement lang" sabi niya tsaka ako hinila

Pagdating namin sa may Announcement Board, nagsitabi ang mga estudyante ng makita kami ni misty. Iba ibang bulungan na naman ang aking narinig

"Tara ennata, tingnan natin" pagaaya ni misty sinusundan ko lang siya habang humahakba siya palapit sa Announcement Board

Tss. #struggleIsreal for her

Sana matagalan niya yung gagawin sakanya

Bakit kasi kailangan mangielam pa, ayan tuloy magiging hell ang life niya

Too bad for her..

Diko man maintindihan ang sinasabi nila pero ramdam ko parin ang kaba na akala mo may daga sa dibdib ko.

"Oh misty bakit ka bumabalik?" Tanong ko kay misty na nagmamadaling bumalik

"A-ah w-wala, t-tara na?" Pautal utal na sagot ni misty

Sabi na nga ba't may mali na naman sa mga nangyayari. Sana hindi ganoon kalaki ..

"Ano kaba, gusto kong makita kung ano ang nakapaskil" sabi ko
"Huwag na ennata! Tara na pumasok na tayo! " pagpupumilit ni misty sakin

Hinihila niya ako ngunit nagpupumilit din ako upang makita ang nakapaskil

"Andito na tay-" naputol ang nasabi ko ng masilayan ko ang nakapaskil

"Sabi ko naman sayo huwag mo ng tingnan"sa tono ng pananalita ni misty naiinis siya

"Ano ang ibig sabihin ng mga ito?" Mahinahon ko paring tanong kay misty

Nakapaskil ang aking larawan sa announcement board na may mga nakasulat sa taas na WANTED gamit ang parang dugo, sa ibaba naman nito ay DEAD OR ALIVE.

"Sa pagkakataong ito ennata, kailangan na nating pumasok, hindi mo na kailangan pang malaman yan" sabi ni misty

"Hindi misty kailangan kong malaman kung ano ang ibig ipahiwatig ng nakapaskil dito?" May inis na sa tono ng pananalita ko

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon