PAHINA 2: PAGLILIGTAS

152 6 0
                                    

"ENNATA!" Sigaw ng aking ama,  maraming nagbago kay ama hindi tulad noon .

Nakakaisang linggo na akong pumapasok sa paaralabg iyun,  marami na akong natutunan sa mga bagay bagay maging ang kanilang lenggwahe.  Kaya nalaman ko na ang unang lenggwahe palang naririnig ko noong una akong pumasok ay english. 

"Ennata!  Buksan mo ang pinto! " sigaw ulit ni ama. 

Ayokong pumasok kaya nilagyan ko ng majika ang pintuan upang walang makapasok sa loob ng aking silid tulugan.  Namiss ko ang paggamit ng aking majika, na simula ng dumating kami dito ay pinagbawal ni ama.  Pinapalutang ko ang mga gamit dito sa loob,  maging ang sarili ko ay pinalutang ko,  may kakayahan akong lumipad sa hangin sa madaling salita

"Ennata kapag di mo ito binuksan , malalagot ka saakin" pagbabanta ni ama sa labas

Diko pinansin ang sinabi ni ama pinagpatuloy ko ang aking paglalaro

BOOGGSSBOOOOGGGSSS

Isang pagsabog ang nangyari kaya kinain ng usok ang buong silid,  nalaglag ang mga gamit na pinalulutang ko maski ako ay nalaglag. 

Agad naman nawala ang makapal na usok,  kaya nakita ko si ama na nakatayo sa harap ko na nagngingit sa galit.  Ayoko ng ganitong awra ni ama masyadong nakakatakot

"Ama" mahina kong tawag

"Ennata,  bakit dikapa pumapasok? At pagmasdan mo ang iyong silid nagkalat ang mga kagamitan.  Gumamit ka na naman ba ng majika? " saad ni ama,  habang iniikot ang silid ko

Tumayo ako sa pagkakalaglag ko, ayokong magsalita ng kasinungalingan kay ama,  pero kasiyahan ko ang pinipigilan niya

"Ayoko pong pumasok,  at hindi ako gumamit ng kahit anong majika" magalang na sagot ko    

Umupo ako sa kama,  at halukipkip.  Pinagmamasdan ko si ama  hanggang ngayon ay di siya tumatanda, nananatili parin ang kabataan sa kanyang katawan.  Makisig ang aking ama,may mga katangian na kamahal mahal. 

Sa labing limang magkakapatid siya ang napiling maging katiwala ng diyos.  Kilala siya bilang SON OF LIGHT.  Pero kadalasan ay tinatawag siyang Odolf. Dahil sa kabutihan ng aking ama ay nagustuhan siya ng aking ina.  Masyadong marami ang nangyari, kaya napdpad kami sa lugar na ito

"Ennata hindi maaari ang gusto mo,  kakailanganin mo ang mga pagsusulit na inaaral sa paaralan mo, hindi madali ang mabuhay ng walang alam sa lugar na ito " sagot ni ama.  Lumapit siya saakin.  Hinawakan niya ang aking mahabang buhok

"Aking anak,  kailangan natin ang mga kaalaman ng tao upang manatiling buhay.  Kaya pumasok ka" dagdag niya

"Ama , mabubuhay naman tayo,  kung pipiliin nating mabuhay,  pero hindi sa ganitong lugar ama, hindi ko kayang makisalamuha sa kanila  lalo na't alam natin na iba tayo sa kanila" sagot ko na sobrang dismayado. 

Lumuhod si ama sa harapan ko, hinawakan ang aking mga kamay. 
"Anak,  dito tayo dinala ng tadhana,  at nakakasigurado ako na isa ito sa mga kagustuhan ng gods, kaya dapat natin itong tanggapin.  Pagaralan mo ang pagiging isang normal na tao dahil iyun ang makakabuti sayo at satin" nakangiting sabi ni ama

Di ako nakasagot agad, tumayo si ama tsaka tumalikod,  kahit nakatalikod ay napakakisig ni ama. May mga dahilan nga kung bakit nandito kami sa lugar na ito.  Maaaring di ko pa naiintindihan pero dahil anak ako ng katiwala ng diyos,  magiging maliwanag din sakin ang lahat. 

"Ligpitin mo na yung mga nagkalat na gamit tapos ay bumaba kana upang maghanda sa pagpasok mo, walang gamit na majika ennata"

"Opo ama" sagot ko agad na nakangiti. 

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon