PAHINA 41

3 0 0
                                    

Ennata

"Are you sure na okay ka lang?" paulit-ulit na tanong sakin ni misty.

"I heard you screaming sa c.r" sabi ni to na sobrang nag-aalala talaga.

"oo misty huwag kang mag-alala. Somobra lang talaga ang sakit ng tyan ko kanina pero ayos na ngayon." sabi  ko para di na sya mag-alala pa.

"Kasalanan ko ata dahil pinakain kita kanina ng seafoods" sabi nito na sinisisi ang sarili 

"Ano ka ba?wala kang kasalanan nagkataon lang ang lahat" sabi ko. Upang mabawasan ang pag-alala niya binigyan ko sya ng munting regalo.

"Ano to?" tanong ni misty

"regalo mula sakin lagi mong susuotin" sabi ko habang sinusuot sa leeg niya.

"totoo ba ? mukhang mamahalin to huwag na ennata " pagtatanggi nito

"Ano ka ba munting regalo lang to kaya tanggapin mo, ako naman ang magtatampo sayo kapag tinanggihan mo 'to" sabi ko sakanya. Tiningnan niya lang ako ng may sayang nararamdaman.

"Sige na nga, hubarin ko na 'tong black pearl na necklace ko parang mas bagay ata itong binigay mo sa outfit ko" sabi nito na ngumingiti  

Habang masaya kaming nag-uusap biglang lumakas ang tugtugan dito sa loob at may sumigaw. Nagkatinginan kami ni misty.

"Alam mo ba ibig sabihin nun ennata?" tanong sakin ni misty umiling ako.

"Ibig sabihin nun, umpisa na ng PARTY! PARTY!" sabi niya tapos ay hinila nya agad ako sa gitna.

Naguguluhan ako sa mga tao tapos sobrang lakas ng tugtog. Nagsasalita si Misty pero hindi ko maintindihan. Lumapit sya sakin tsaka bumulong.

"Sayaw ka ng ganito Ennata! Huwag kang mahiya!" bulong nya sakin pero pasigaw habang nagmumustra ng kung anong sayaw.

Sa bayan ng zinea hindi mawawala ang kasiyahan , hindi rin mawawala ang kantahan at sayawan ng mga zaouns. Bahagi na kasi ng lahi namin ang magsaya kahit walang epesyal na okasyon dahil dito nagbubuklod ang mga tiga zinea mas napagtitibay ang samahan at sa bayan ng zinea hindi ako mawawalan ng papel dahil isa ako sa mga nangunguna ng indakan sa sayawan. Mukha ganun din dito sa mundo nila misty yun nga lang ay puro mga kabataan. Isa

Nakisabay ako sa indayog ng tugtog at kay misty na sobrang nagagalak dahil todo bigay sya sa pagsayaw. Ngayon na lang ulit ako nakaranas ng ganitong pakiramdam at okasyon. Lahat ng mga nandito ay may kanya-kanyang pakulo. Lahat ay nagsasaya, si ezekeil at nicodemus ay nakikisalamuha habang si drake ay nakaupo habang kami ay pinanunuod nya.

"Hey ennata! huwag mong pansinin si drake may sarili talagang mundo yun" bulong sakin ni misty. Nabaling kasi ang tingin ko sakanya dahil sya lang ang nagbubukod-tanging hindi nakikisalamuha samin.

Akmang aalisin ko na ang tingin ko sakanya biglang nagtama ang mga mata naming dalawa dahilan para unti-unti akong mapahinto sa pagsayaw pero salamat kay misty na hinila ako papunta kila nicodemus. Lumapit sakin si nicodemus.

"Ennata! are you having fun?" tanong niya na napakunot ang noo ko 

"I mean, nageenjoy ka ba? ahmm" pagbabago nya ng saad nakuha ko naman ang ibig nyang iparating. Tumango ako bilang sagot.  

"Good! basta mag-enjoy ka lang" sabi niya tapos ay umikot ikot sakin sinamahan naman sya ni misty kaya nakisama na rin ako sa ginagawa nila. Ilang minuto pa lang kami kaming ganito nang huminto nicodemus akala ko kung ano tiningnan lang pala nila si drake na naglalakad papunta samin kasama si ezekiel, hila-hila sya nito sigurado ako pinilit sya. 

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon