PAHINA 6: Pasyalan

139 4 0
                                    

"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo lilly? Alam mong walag panahon ang isang tulad ko sa ganyan" nakangiti kong sabi..

"Alam mong hindi natin hawak ang ating kapalaran, kaya't hindi mo rin masasabi na di ka iibig" makabuluhang sambit nito..

Hindi na ako nakapagsalita pa, may katotohanan ang mga sinaad niya , kahit tiga ibang mundo ako hindi ko parin hawak ang kapalaran ko wala akong kakayahan na baguhin kung anuman ang nakatala sa aklat ng bathala namin..

"Nandito na tayo! " sigaw ni henry

Nahila ako ng mga bwisit na pusa nato.

"Anong lugar ito? " tanong ko sa kanila..

"Ito ang tinatawag nilang park" sagot ni rosie..

"Park? " tanong ko ulit

"Park, kapag walang trabaho ang mga tao o pasok ang mga estudyante dito sila namamasyal.. " unang nagpaliwanag si molly

"Nandito ang mga bata , doon sa gitnang parteng yun ang playground o laruan ng mga paslit" sabi ni dylan habang tinuturo Ng kanyang buntot ang playground..

"At sa kanang parteng yun naman ay ang pwesto ng mga rides, iba't ibang klase ang mga rides doon, mapabata man o pangmatanda.. At sigurado akong magugustuhan mo doon" masayang sabi ni ted

Nakalimutan ko palang sabihan, bago kami umalis ay pinagbawalan ko sila na magsalita gamit ang mga bibig nila at para makasigurado ginamitan ko sila ng majika, kaya sa isipan lamang kami naguusap..

"Doon naman sa kaliwang parte na yun! Tara puntahan natin" pagaaya ni daisy..

Hinila niya kami papunta dito sa..

"Dito ang food court, o kainan ng mga tao kapag pagod kana maglaro sumakay ng mga rides, nasa gitna nito ang mga bilog na lamesa.. " dugtong ni daisy

Masasabi kong napakaganda sa park na ito.. Napakayos at mararamdaman mo ang kasiyahan ng mga tao.. Lahat sila nakangiti para bang wala silang iniisip na problema..

"Mamimili ka lang dito sa mga food cart na nakapila sa kaliwa't kanan mo kung ano ang ibig mong kainin.. " dugtong ulit ni daisy..

"Doon naman tayo! " pagaaya ni rosie..

Sumama naman kami ayoko ng magpahila Ang sakit na ng kamay ko.. Dahil sa taling nakapulupot sa kin

"At ito naman ang pahingahan, kung gusto mong humiga doon ka sa parteng madamo na yun.. Magdadala ka lang ng kumot tapos rest rest na.. " sabi niya..

Mapapahanga na talaga ako ng park na to, lalo na dito sa parteng ito na ayun kay rosie ay pahingahan, naglalakihang mga puno ang nakakalat ,berdeng berde ang mga dahon .. Ang tahimik kaya masarap ang magpahinga dito, maririnig mo pa ang mga kantahan ng mga ibon na malayang lumilipad..

"Doon naman tayo.. " si henry naman ang nagaya,

"Ohh ano to henry? Parang katulad lamang ito ng food court diba? " tanong ko sakanya, nagtatawanan naman ang mga pusa.. Ano kaya ang nakakatawa -_- ganyan ang itsura ko..

"Oo kahawig siya pero iba ang tawag sa lugar na ito.. " sagot ni henry..

"Eh ano? " madali kong tanong..

Tumuntong si henry sa isang lamesa buti na lang ay mahabang tali ang gamit ko kung hindi ay nadapa na ako..

"Ito ang booth station.. " sagot niya..

"Booth station? " tanong ko ulit

"Booth station, hmm.. " putol niyang sabi dahil parang nakalimutan niya..

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon