PAHINA 43 Atensyon

1 0 0
                                    

Ennata

"Ennata you're not listening"
"Ennata!!! 

"Bakit?" Tanong ko

"Bakit ba hindi kita makausap ng maayos?" Iritadong tanong sakin ni misty

"Ano ba ang sinasabi mo?" Tanong ko ulit.

"Kita mo to! Hindi nga talaga nakikinig!" Sabi ni misty

Nasa parke kami ng eskwelahan ni misty, nagpapahinga habang hinihintay ang susunod na pagsusulit. Nagkaroon kasi kami ng aktibidad sa labas ng eskwelahan.

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang foundation ball namin at hanggang ngayon ay lumulutang ang aking isip dahil sa nangyari sa gabing iyon.

"Ipagpaumanhin mo misty sadyang may mga gumugulo lang sa aking kaisipan" sabi ko misty na tinitigan lang ako.

"Halata nga, simula ng matapos ang foundation ball hindi na kita nakausap ng maayos" sabi nito. Napansin din pala niya.

Gusto kong burahin sa isipan ko ang mga nangyari pero pilit pa rin ako hinahabol ng mga alaala ng gabing iyon.

"Ano ba ang sinasabi mo kanina?" Tanong ko muli

"Ang sabi ko, ang next class pala natin ay physics. Tapos tinatanong kita kung nagawa mo na ba yung assignment" pag uulit niya

Nilabas ko yung kwardeno ko para sa aralin na physics tapos ay inabot ko 'to kay misty.

"Maaari mong kopyahin yung mga sagot ko kung wala kang naisusulat na sagot sa aralin natin" sabi ko naman.

Hinila ni misty ang hibla ng buhok dahilan para indahin ko.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko

"Eh paano ba naman kasi sobrang lutang ka!" Sabi nito hindi ko na nagawang sumagot dahil parang walang lumalabas na salita sa aking bibig.

"Teka nga maiba ako" panimula niya

Nangalumbaba sya tapos tiningnan ako sa mata.

"Ano ba nangyari sainyo ni Drake nung foundation ball?" Diretsahan nyang sabi sakin. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa tanong nya.

"Anong nangyari? Bakit mo naitanong?" Tanong ko

"Nakita ko kayo nun, hinila ka ni drake tapos nun hindi na kita nakita. Nabalitaan ko na lang na nasa bahay ka dahil kay nicodemus maging si Drake wala na rin nun" sabi ni misty. Hindi na ako makakawala sa unang nyang isinilaysay pero malulusutan ko pa kung bakit kami nawala ni Drake.

"Ahmm, hinila ako ni Drake kasi may gusto syang sabihin sakin nun matapos ng pag-uusap namin ay umuwi na ako dahil sobrang sakit ng paa ko" pagpapalusot ko sakanya . Sa bakas ng mukha nya parang hindi sya naniniwala.

"Ganun ba? Akala ko kasi may ginawa kayong milagro ni Drake tapos ayaw mo lang sakin sabihin" panghuhuli nito sakin

"Hindi ganun, kung meron man ay sasabihin ko agad sayo." Sabi ko para hindi na sya manghinala pa.

"Okay sabi mo eh, by the way pansin ko lang na dumidistansya ka ata kay Drake ULIT?" Tanong na naman nya sakin

Sa tatlong araw na lumipas tuwing lalapit o makikita ko si drake ay inilalayo ko si misty o ako mismo sakanya dahil hindi pa ako maka-ahon sa ginawa nya sakin. Tuwing tinititigan nya ako, umiiwas ako ngunit nakikisalamuha pa rin ako sakanya.

"Hindi sa dumidistansya sadyang ayoko lang sya makasama o makausap ng matagal dahil hindi naman ako komportable bukod sayo" palusot ko muli.

"Well, tama ka din. Maski ako di ko din feel nakasama sya.." pagsang-ayon nya sakin.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon