PAHINA 44 Pagkanta

1 0 0
                                    

Matapos ang klase sa physics

"Hi! Ikaw ba si Ennata Forbes?" Tanong sakin ng isang lalaking nakasalamin.

"Ako nga" sagot ko

"Good! Pwede ka ba na imbitahan sa music club?" Tanong nito sakanya tumingin agad ako kay misty

"Why do need to invite her?" Tanong agad ni misty sakanila.

"Ahmm, kulang kasi kami ng singers for the upcoming events ng club namin. We heard na maganda ang boses ng friend mo so we decided to invite her" sagot ng nakasalamin kay misty. Masyadong mahabang ingles ang binanggit nya kaya hindi ko rin nasundan.

"Ahh, hmm ennata gusto ka nila kumanta para sa darating na event nila" pagpapaliwanag sakin ni misty

"Kahit pumunta ka ngayon paparinig namin sayo yung list of songs na nakaprepared its up to you kung go go ka or hindi" sabi pa nito.

Muli ako tumingin kay Misty upang humingi ng tulong. Sumenyas naman si misty na pumayag ako kaya sumama ako sakanila.

"Kita na lang tayo after niyo jan" sabi ni misty

"Ayaw mo ba sumama?" Tanong ko. Umiling si misty.

"May gagawin pa ako basta kita na lang tayo ha?" Pagpapaalala nya sakin.

Magkasaliwa ang daan namin ni misty kaya hindi rin kami nagkasabay na maglakad.  Hindi rin kalayuan ang music club na tinutukoy ng kasama kong lalaki.

"Here we are" sabi ng lalaki.

Pagpasok namin doon marami na tao. Lahat sila ay natingin ng dumating ako.

"GUYSS!!!  Dala ko na ang magiging singer natin!!!" Sigaw nya sa mga tao doon.

"Is she Ennata Forbes? The transferred girl from nowhere?" Dinig kong tanong sakanya ng kasamahan nya

"Yeah, and she is with us because I choose her to sing for our upcoming event" pagpapaliwanag nya.

"Sige Ennata, pwede kang maupo kahit saan. Huwag kang mahiya" sabi ng lalaking nag imbita sakin.

Humanap naman agad ako ng mauupuan, napili kong umupo sa may piano.

Nang makaupo ako, lumapit ulit sakin yung lalaking nakasalamin.

"By the way, I'm Claude. Claire sa gabi" sabi niya tiningnan ko sya ng parang nagtataka.

"Claude? Claire?" Tanong ko

"I'm sorry to tell you this pero gay kasi ako. I am PROUD TO SAY THAT I'M A GAY!!" sabi niya na isinigaw pa sa buong music club room.

"Pasensya na ha, pero ano ang g-gay?" Tanong ko ulit

Tiningnan nya ako na para bang nagtataka sya bakit hindi ko alam ang salitang gay. Wala kasi si misty sa tabi ko para sabihin sakin ang mga salitang hindi ko maintindihan.

"Ahm, gay. Parang babae. Lalaki lang akong tingnan physically but pusong babae inside" sabi niya

"Ahh ... G-gay" sabi ko

Naaalala ko na kung ano ang gay naturo na din ito sakin ni misty.

"Parang LGBTQ?" tanong ko, ngumiti syang sumagot sakin.

"Yeah! You know what mukhang magkakasunod tayo." Sabi niya ngumiti naman ako sakanya.

Magaan sa pakiramdam ang makipagusap kay Claude. Hindi sya masungit o suplado. Mabait din syang makitungo sa mga kasamahan niya at kahit pa gay sya nirerespeto sya.

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon