PAHINA 9 Pagpupulong

110 3 0
                                    

3rd person's POV

-sa sariling classroom nila drake-

Nakaupo sila ezekiel at drake sa isang sofa sa loob,  habang nanunuod ng t.v

"Drake,  is it to much? " tanong ni ezekiel kay drake na kumakain ng mansanas

"Ang alin? " tanong naman nito na parang walang nangyari

"Yung ginawa natin kanina,  si ennata sinugod sa clinic kanina si misty naman nasa ospital" pagsasalaysay ni ezekiel

Pero imbes na makonsensya si drake ay nagawa pa nitong tumawa ng malakas. 

"Don't tell me ezekiel, naaawa ka sakanila? " pangaasar nito kay ezekiel

"Hindi naman..  Para kasing--" putol niya sa sasabihin niya ng magsalita si drake

"Yun ang mga nagagawa ng mga taong pakielamera, parehas silang pakielamera kaya dapat lang sakanila yun" cold na sabi nito.. 

Biglang natahimik ang paligid at t.v lang ang maririnig.  Nang bigla namang bumukas ang pinto at iniluwal nito si nicodemus.  Napalingon naman sila ezekiel sa kanya

"Drake!  What did you do? " galit na sabi nito habang naglalakad palapit sakanila

"Having fun" pangisi nitong sagot

Pinatay naman ni nicodemus ang t.v si ezekiel naman ay nagkunwaring nagbabasa ng libro. 

"Having fun?  May sinugod sa ospital drake..  Hindi katuwaan yun" galit parin nitong sabi.. 

"Eh kung doon ako natutuwa,  teka nga bakit ba parang concern kayo ni ezekiel sa dalawang yun hah? " sabi ni drake na patingin tingin kila ezekiel

"Sobra naman kasi to drake.. " sagot ni nicodemus

"So does it mean na kumakampi ka sakanila kesa sakin? " tanong ni drake kay nicodemus

"Wala naman akong kinakampihan" sagot ni nico

Biglang tumayo si drake tsaka naghagis ng dart .

"Tandaan mo nicodemus, kung nasan ka ngayon,  dahil yun sakin..  Tandaan mo yan! " galit na sabi nito tsaka lumabas ng kwarto. 

Nagclosed fists naman si nicodemus dahil sa sinabi ni drake. 

"Wala tayong magagawa,  he is a dragon" sabi sa kanya ni ezekiel tsaka lumabas din ng kwarto

At naiwan si nicodemus sa loob ng kwarto na galit na galit.  

-sa hallway ng school-

Ennata

Lumabas na ako ng clinic,  oo alam kung clinic kung saan ako dinala, ipiniliwanag na sakin ni misty yun. 
Lumabas ako ng clinic kahit hindi pa pwede dahil sabi ni nico sasamahan niya akong pumunta ng ospital.. 

Naglalakad ako ngayon sa hallway, na may benda ang noo ko,  sa totoo lang humilom na ang sugat ko,  dahil madali lang naman gumaling ang mga sugat ko.. 

"Nico.." Bulong ko.. 

Habang naglalakad ako sa hallway nakadinig ako ng ingay,  ingay na nagmumula malapit lang sakin.  Bakit ba tila lagi na lang ako nakakarinig ng mga yun..  Imbes na iwasan ko ay pinuntahan ko pa.. 

Nagulat na lang ako sa dugo na tumutulo napatakip ako sa aking bibig, tiningnan ko kung kaninong dugo yun..  At sa muling pagkakataon kay drake na dugo.. 

Punong puno siya ng hinagpis at pasakit.  Ramdam na ramdam ko ang nararamdaman niya ngayon.  Kawawang nilalang..  Kaya siya nakakagawa ng mga bagay na di kanais nais...

Extra Ordinary [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon