CHAPART 17- BROTHER?
DORIME
HINDI ko agad ma-imulat ang mata ko. Bakit ganun? Ang sakit ng buong katawan ko? Minulat ko na ang mata ko, pero....
"I'm so sorry Rhea, nagawa ko lang naman yun dahil, pinagtangkaan nila ang pamilya mo. Mahal na mahal kita at hindi ko hahayaan na gawin nila sa'yo yun. Kaya nag-panggap ako na Hindi na kita mahal. Mula noon, Hindi na ako nag-hanap ng iba. Inalagaan ko ang na-iwan mo."Malungkot na tono ng isang lalaki. Biglang bumilis ang takbo ng puso ko.
"Ah, kayo pala ang mama ko. Ako nga po pala si....."
"Dave... Ikaw si Dave! Ang panganay ko."Si Ina yun ah. Anong panganay ang sinasabi niya? Teka! Nasaan ba ako? Minulat ko ang mata ko at....
"Ina..."Hinang-hina kong tawag kay Ina na may kayakap na lalaki. Hmmmm? Binata?
"Dorime! Jusko! Salamat at nagising ka na. Salamat. Ano may masakit pa ba? Saan? Sabihin mo."Alalang tanong ni Ina at hinawakan ako sa kamay. Ouch!
"Aray! Yan masakit diyan sa hinawakan niyo."Sagot ko. Agad niyang tinanggal ang pag-hawak niya.
"Ay! Oo nga pala, sabi ng doctor nagka-fracture ka daw sa braso. Buti na lang at Hindi ka na-puruhan."Ah! Kaya pala! Nasaan na ba yung bumangga sa akin? At ng ma-upakan ko. Tumingin ako sa ibang anggulo ng kwarto. May iba pa palang tao. Yumuko yung binata kaninang kayakap ni Ina. Teka!
"Ina! Siya yung bumangga sa akin! Aba't! Bakit ang bilis mong magpa-takbo ng sasakyan ha? Over speeding ka ah!"Tinuro-turo ko pa siya.
"Anak kumalma ka. Ehem! Siya nga pala si Don Angelo Cryme siya ang Ama mo at...."Hindi ko pintapos si Ina at agar na akong sumingit.
"Buhay si Ama?"Hindi talaga ako makapaniwala. So totoo!?
"Oo, anak. Buhay si papa."Lumapit siya sa'kin at niyakap. Doon tumulo yung luha ko at naglakas-loob magtanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/106317976-288-k489896.jpg)
YOU ARE READING
PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)
HumorThe day I met him, my life changed. I did not expect I'll meet him. I didn't expect he'll be the voluminous part of my life. I thought he's an enemy. -Dorime Ily Cryme💙