P•A•C: CHAPART[2] 34- KOOKIE
DORIME
NAGISING ako ng maaga para gawin ang morning routine every Monday dahil may pasok na naman. Bumaba na ako at dumiretso ng kusina na tamlay na tamlay.
Naabutan ko pa sila Daddy na nakain at ako lang ang kulang. Napansin naman ako ni Nathan.
"Ate!"Sigaw niya. Napatingin naman silang lahat sakin.
"Remy, halika't maupo. Kumain ka na."Mama
"May sakit ka ba?"Papa
"Pinagod ka ba ni Danner? Hahahahhaha"Kuya
"Dave!"Papa
Pinagalitan naman niya si Kuya. Lahat sila nag aalala.
"Okay lang po ako, inaantok lang."Sabi ko para gumaan pakiramdam nila.
Mabilis kong tinapos ang pagkain at sumakay na sa kotse ni Kuya. Buong biyahe tahimik. As usual. Narating na namin ang school at pinark niya. Lalabas na sana ako ng kotse.
"Dorime, may problema ba?"Sa unang pagkakataon, nakita ko sa mukha niya ang pag aalala.
"Wala"Tipid kong sagot at yumuko. Naramdaman kong may tumulong luha na naman sa mata ko kaya agad niya akong niyakap.
"Kuya mo ako, pwede mo rin akong pagsabihan ng problema."Sabi niya habang tinatap niya kamay niya sa likod ko.
"Wala ito Kuya. Salamat. Mauuna na ako."Sabi ko. Bago bumaba, pinunasan ko muna pisngi ko at nag ayos.
Pumasok ako ng elevator kasabay ang mga schoolmate. Narating ko na floor ko at dire-diretso na pumasok ng classroom at umupo sa upuan katabi niya.
Ang aga niya ata para sa unang subject. Nakatitig lang siya sa labas ng bintana habang may nakasalpak na earphone sa tainga niya.
Pumasok na ang guro at nag simula na ang klase.
✖✖✖✖
Natapos ang araw na hindi ako pinansin ni Danner o kahit tingin man lang. Hindi ko alam kung kinamumuhian niya ba ako o galit siya sakin. Pero sa anong dahilan?
Inayos ko na gamit ko at lumabas ng classroom. Pero may humarang sa daan.
"Kookie?"Nagulat pa ako ng lumitaw siya sa harap ko.
Bigla kong naalala! Magsisimba dapat kami kahapon. Napatingin ako sa kaniya.
"Ssssshhh! Hindi ka pa nag sosorry napatawad na kita. Tara kape tayo?"Kookie.
Napayuko ako at nahiya sa kaniya. Sa kabila ng kabaitan niya, ito pang ibabawi ko sa kaniya. Ang sama ko.
"Pag sumama ka sakin ngayon, bayad na ang kahapon."Nginitian niya ako.
YOU ARE READING
PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)
HumorThe day I met him, my life changed. I did not expect I'll meet him. I didn't expect he'll be the voluminous part of my life. I thought he's an enemy. -Dorime Ily Cryme💙