P•A•C: CHAPART 12

52 9 1
                                    

CHAPART 12- CRAZY OLD WOMAN

MR. G

ANG tagal mahanap ng katawan ko. Gustong-gusto ko ng makabalik sa katawan ko. Aish! Nasaan na kasi yung katawan ko? Ang bagal naman kasi maghanap ni Dorime. Pero empyernes sa kaniya. Mabait, masipag at—hays may itsura!

Arbee: Lahat tayo may itsura. Kahit animal at alien, may itsura. Ayusin mo yung pag-describe kay Dorime.

K. Ikaw na kaya dito. Tss! Maganda rin siya. Ahmmm, sabihin na nating crush ko na siya? A little bit only!

"HOY! IKAW!"May sumigaw na matanda.

Napatingin ako sa kaniya at nanlaki ang mulat ng mata. Si Manang Daisy. Tumakbo ako ng mabilis at hinabol niya ako.

"Anong meron sa matandang yun?"

"May saltik si Manang."

"Baka takas mental."

"Sino kaya yung hinahabol niya?"

Sari-sari yung mga komento ng mga taong nakakakita sa kabaliwan niyang ginagawa. Lalo kong binilisan ang pagtakabo. Siguro noong kabataan ni Manang, runner siya o di kaya snatcher! Ang bilis tumakbo eh.

"Anong akala mo? Makakatakas ka sa aking multo ka?"WAHHHHHHHH! Ang bilis ni Manang tumakbo. Baka sumasali 'to sa paligsahan noong kabataan niya. Binilisan ko pang tumakbo, ang sakit na ng binti ko.

"HULI KA!"Hinila niya yung damit ko at panigurado—dadalhin na naman niya ako sa lugar niya. Ang scary kaya doon! Unlike sa house ni Manong.

"Manang! Pakawalan niyo na ako."Pinipilit kong kumalas sa hawak ni Manang. Aba matindi din ang matandang 'to! Ang lakas eh.

"Hmp! Ano ako? Bobo? T*nga? Para pakawalan ka? No way!"May pa-english pang nalalaman si Manang eh.

"Manang, wala naman po akong sinasabing ganyan eh. Sa inyo nanggaling yan."Komento ko.

"Ah...ganun ba? Ah basta! Hawak na kita at hindi na kita papakawalan pa! Never ever gonna let you go!"Teka! Alam ko yang kantang yan ah!

A/N:Yiieeeee Fan ata si Manang ng Got7!

Nakarating na kami sa ruta ni Manang. Iiiiiihhh! Haunted House! Pumasok na kami sa loob at—

"Manang, matanong kita..."Nilibot ko ang paningin ko sa tinitirhan niya.

"Ano?"Mataray niyang tanong habang tinatali ako. Hindi lang lubid ang pinantali niya, may silver eh. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga kagamitan niya.

"Ano po yung mga nasa garapon?"Tinitigan ko yung mga laman. Ang labo na eh, dahil sa tubig.

"Laman ng tao. May puso diyan, gusto mong tignan?"Manang.

"ANO!? A--a--aayo--koo ng--ngaa!"Tumaas yung mga balahibo ko. Kadiri 'to si Manang. Saan niya kaya nakuha yung mga yun!?

"Sa mga dating multong nahuli ko, doon galing ang mga 'yun. Kung ako sa'yo! Sumunod kana sa mga yun. Wala nang pag-asa pang mahanap ang katawan mo."Manang. Ang nega!

"Someone's helping me."Sabi ko. Lumapit siya agad sa akin at tiningnan ng masama.

"Tss! Umasa ka."Yung mga salita ni Manang pang teen.

"Meron ng------"

*BOGSSSSSHHHHH!*

Tumigil si Manang sa ginagawa niya at sinabihan akong....
"Wag kang magbalak na tumakas."Madiin niyang sabi. Umalis na siya at nag-isip ako ng paraan para maka-alis. Kumulit ako at HAHA! Nasa akin ang huling halakhak! Kala mo Manang ah. Nakawala ako sa tali at mabilis na tumakbo palabas. Sa ulo ko na ang bahay ni Manang.

Tss! Ang luwag lang naman ng tali niya.

Dumidilim ah! Mukhang u-ulan. Nasaan na ba ang mga tao? Nasaan na kaya si Dorime? Aish! Pumasok ako sa isang bahay at pina-atsing ang isa doon at tada!

Nilibot ko ng tingin ang paligid at biglang umulan. May na-aninag akong tao. Si Dorime!

"DORIME!"tawag ko sa kaniya at tumakbo palapit sa kaniya at agad siyang niyakap. Ewan ko, kung bakit ko siya niyakap. Umulan na. Sana totoo yung sinabi ni Manong—magkakatawang-tao ako pag nabasa ako ng tubig ulan.

A/N: Tinatamad ako. Choss!

Tss!

PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)Where stories live. Discover now