P•A•C: CHAPART 3

107 24 26
                                    

CHAPART 3- BUENAVISTA'S BROTHER

DORIME

NGAYON ang araw ng pasukan. Hays! Sana this school year may maging kaibigan ako. Last year kasi wala. Nalapit lang pag may kailangan. Ano kaya ang section ko? Sana mababait ang mga kaklase ko.


Nakalimutan kong Mag pakilala. Ako nga pala si Dorime Ily Cryme. Panganay na anak sa dalawang kapatid. Kambal silang dalawa. Ako ay 16 taong gulang. Tanging inaasahan ng pamilya ko. Patay na ang ama ko at simula nung nawala si Ama, naging sakitin na si Ina. Mahirap lang naman kami. Pero nakapag-aral ako sa pribadong paaralan dahil kumuha ko ng scholarship running for valedictorian ata ang lola niyo. Yun lang.

"Beshy Tara na sa bulletin board. Tingnan na natin yung section natin."Narinig kong sabi nung babae na hindi kalayuan sa akin.

Pumunta ako ng bulletin board at naki-singit. ROOM 204 GRADE 10- WISDOM CRYME E. DORIME ILY. Hinanap ko lang ang pangalan ko at umakyat na ng second floor. Last room pa nga. At wisdom pa! First section.

Pumasok na ako sa loob ng room. Ka-unti pa lang ang narito. Umupo ako malapit sa bintana. Yung upuan pang dalawahang estudyante lang. Umupo na ako at dumungaw sa bintana. Nag-kalat ang mga estudyante. Pinanood ko ang mga galas nila at may isa akong napansin. Na-lutang yung dahon. Na galaw siya pero iba ang direksyon, pa-side. Tinitigan kong maigi yun at maya-maya... May lumutang na lalaki.

OoO

Mu------multo! Yung multo sa library. Tumingin siya sa akin at nakipag-eye contact.

"Uy! Classmate ulit tayo."

"Oo nga."

"Tabi na tayo"

"Sure"

Napatingin ako sa mga kasama ko. Aba! Mukhang nandito na ang lahat ah. May pumasok na magandang guro at mukhang nasa 25's pa lang? Not sure. Ang bata pa ng mukha ni ma'am eh.

"Good morning my advisory class! I'm Ms. Bautista but you can call me ma'am Arvy. I hope all of you can treat me a nice way and respect me as a teacher. I will do the same."Mukhang mabait si Ma'am Arvy.

"Ma'am may boyfriend na po ba kayo?"Isa sa mga lalaking kaklase ko ang nagtanong.

"Hahaha!"Napa-titig kami sa kaniya.

*_______*

Ang dyosa niya na, ang sarap pang pakinggan ang tawa.

"Wala pa. Pero may manliligaw ako na nasa Korea."Sagot ni Ma'am. Open din siya.

"May balak po ba kayong sagutin?"Siya ulit.

"Hahahaha. Nasa 'getting to know each other' pa lang kami eh." Ang ganda talaga ni Ma'am. Wala akong masabi.

"Ma'am! Ito na po pala yung pinapakuha niyo."Isang lalaki ang sumigaw mula sa labas. Nag-sign si Ma'am na pumasok siya. Naka side view man siya, agad ko naman siyang nakilala-Kookie.

PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)Where stories live. Discover now