P•A•C: CHAPART[2] 33

30 8 2
                                    

P•A•C: CHAPART[2] 33- DREAM

DORIME

YAWN. Agh! Ang sakit ng katawan ko. Aray-aray. Huhuhuhu ang sakit ng binti ko. Ano bang nangyari kagabi?

Hindi ko kwarto ito ah. Nasaan ako?

May lumabas sa banyo at APSJBSHZJSJA SI DANNER LUMABAS NG NAKA TAPIS LANG. SHEMS!

WAIT!

Tiningnan ko sarili ko at OMO! Wala akong suot!

"Wag kang praning! Walang nangyari! Naki gamit lang ako ng banyo dahil na una si Mr. Yu. At dahilan kung bakit ka naka ganyan ay dahil nagpa assist sa katulong ni Mr. Weber."Defensive ni Danner.

Hindi pa naman ako nagtatanong eh. Facepalm.

"Kung praning ako, defensive ka naman. Shooo shooo! Labas na, mag aayos na ako."Taboy ko sa kaniya. Inirapan niya lang ako.

Aba! Feeling babae eh.


Tumayo ako at tumakbo sa loob ng C.R. Napansin kong may naka hanger na magandang damit pang babae. Ito siguro susuotin ko. Naligo na ako.




Pagtapos kong maligo, mabilis kong inayos ang hinigaan ko at napatingin sa orasan.

12:23 pm

Tanghali na pala.


Lumabas ako ng kwarto. Mukhang nasa mansion pa rin kami ni Mr. Weber.

"Good Morning Madam. Follow me."Isang mukhang masungit at striktang matanda ang lumapit sa akin.

Kakatakot siya. Sinundan ko naman siya at dinala ako sa kusina kung saan nandoon sila Danner.

Nag bow siya kaya nag bow rin ako at lumapit kila Danner.

"Magandang umaga po."Magalang kong bati.

Tinanguan lang ako ni Mr. Yu at hindi ako pinansin ni Danner dahil busy sa kakalikot ng phone niya.

"Magandang umaga Remy."Mr. Weber

PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)Where stories live. Discover now