P•A•C: CHAPART[2] 32 PART IV

30 8 6
                                    

P•A•C: CHAPART[2] 32 PART IV- REVEAL

DORIME

Continuation...

HAWAK ko pa rin labi ko. Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. Habang nagbabyahe kami pabalik ng Manila, paulit ulit kong naaalala yung halik naming dalawa.

Siguro, itulog ko na lang muna ito. Mahaba-haba pa naman biyahe.

✖✖✖✖

"Gising na. Hoy."Someone poke me but I ignore it.


"Hays. Hahalikan pa ba kita para magising ka, Dorime?"Kilala ko ang tinig ng boses na iyon.

Bigla kong minulat mata ko at laking gulat ko ng mukha ni Danner ang agad kong nakita.

"Tss. Gigising rin pala eh. Tara na sa loob."Lumabas na siya ng Van at sumunod ako.

Pumasok kami sa isang malaking bahay. Parang kasing laki ng mansion ni Papa. Ang ganda rin. Puro gold ang mga gamit. May isang malaking frame ng pamilya ni Mr. Weber na makikita pag pasok mo.

May isang maid na nagturo sa amin papunta sa isang kwarto. Pinagbuksan kami ng bodyguard at rinig ang nakakarinding tugtog na pang bar.


"Danner!"Tawag ko sa pangalan niya.

Hindi niya ako narinig pero tumingin siya sa akin at hinawakan kamay ko.

"BAKA MAWALA KA. PARA KA PA NAMANG BATA"Sigaw nito dahil hindi namin maririnig ang sasabihin ng isa't-isa kung magbubulungan lang kami.


Umakyat kami sa ikalawang palapag at doon, hindi ganon kalakas ang tugtog.


"Mr. Park!"May isang lalake na lumapit sa kaniya, niyakap siya at nakipag shakehand.

"Mr. Weber. Finally to meet you. We have so much thing we need to talk about."Danner. Hawak niya pa rin kamay ko.

Binalinan ako ng tingin ni Mr. Weber at may binulong kay Danner. Tumawa naman sila pareho at may binulong si Danner. Ano kaya yon?

"Let's have a seat."Offer ni Danner kay Mr. Weber.

May kalayuan kami sa ibang mga tao.

"Dito ka muna maupo. May pag uusapan lang kami. Magpakalasing ka kung gusto mo. Ako naman mag uuwi sayo."Danner and he winked. Lumayo na siya sa akin bago ako makapag salita.

Loko yun ah. Naupo ako sa isang mataas na upuan at may maliit na table. Tinanaw ko sila, nakatalikod sakin si Danner. Mukhang seryoso usapan nila. Sino ba si Mr. Weber?


PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)Where stories live. Discover now