P•A•C: CHAPART[2] 39- JEALOUS? LOVE?
DORIME
PUMASOK ako ng maaga kaya na una na ako kay Kuya Dave at sumabay kay papa pagka alis. Pupunta kasi akong library at may hahanapin na libro para sa Biology.
Nakarating na ako ng library at pumasok. Naka tulog ata ang bantay. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso sa hilera ng mga libro ng science.
Habang naglalakad ako at natingin sa mga libro, may napansin ako na parang sumasabay sa akin na tao sa kabila. Bumilis tibok ng puso ko at kinakabahan. Kaunti lang ang tao dito. Hindi ko na lang pinansin at huminto ako dahil nakita ko na yung libro. Nasa kaduluhan na rin ako.
Pagkakuha ko ng libro, nagulat ako. May multo.
"Multo!"Mahinang sabi ko at nahimatay.
✖✖✖✖
"Hoy! Gising na! Pag kamalan ba akong multo hahahaha."May nag poke sa mukha ko. Pamilyar yung tinig.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Medyo malabo pa nakikita ko kaya kinusot-kusot ko.
"Multo!"Napabalikwas ako at nalaglag sa sahig.
Aray, yung pwet ko. Ang sakit huhuhu.
"Mukha ba akong multo DeeCee?"Napatingin ako sa nag salita at na patayo.
"Da-danner"Bigla kong sabi.
"Oo ako nga. Hahahaha ganito rin nangyari sa atin noon diba? Hahahahaha kaso si Kookie nang gising sayo."Naka upo siya sa mahabang table at mukhang doon ako naka higa kanina at napatong ulo ko sa lap niya. Nag init na naman pisngi ko.
"Bakit naman kasi nang gugulat ka!"Hinampas ko siya balikat at napalakas ata kasi napa aray siya.
"Hahahaha hindi ako nang gulat noh! Pero hindi na ako mabibigla kung magugulat ka dahil nakita mo mukha ko, ang gwapo ko kaya."mahangin niyang sabi. May mga nakinang pa sa gilid niya na parang sang ayon pa sa kaniya. Sus! Ang hangin.
"Nagulat ako kasi nakakatakot mukha mo. Sus!"Nag cross arm ako.
Bumaba siya lamesa at humarap sa akin.
"Hindi ka nagagwapuhan sa akin?"Nilapit niya mukha niya kunti kaya napa atras ako.
"Hi-hindi."Umiwas ako ng tingin. Naiilang ako.
"Talaga?"Lumapit pa siya lalo sa akin at umatras ulit ako. Mukhang corner na naman ako dahil naka dikit na sa libro ang likod ko. Hinarang na naman niya yung isa niyang kamay sa may gilid ng tainga ko. Nilapit niya mukha niya sa akin. Sobrang lapit. Kung kikilos ako, mahahalikan na naman niya ako. Argh!
YOU ARE READING
PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)
HumorThe day I met him, my life changed. I did not expect I'll meet him. I didn't expect he'll be the voluminous part of my life. I thought he's an enemy. -Dorime Ily Cryme💙