P•A•C: CHAPART 2

119 28 48
                                    

CHAPART 2- BRAKE BUENAVISTA

DORIME

GUMISING ako ng maaga para makapag-enroll sa pinapasukan kong eskwelahan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

GUMISING ako ng maaga para makapag-enroll sa pinapasukan kong eskwelahan. Maraming bagong salta ang papasok sa school namin. Yung iba mukha ng luma at yung iba naman mga magaganda't gwapo.

Pero isa lang ang hinahangaan ko sa school ko. Si Brake Buenavista isang mayaman na ubod ng kagwapuhan na matangkad at may nakaka-akit na mga ngiti. Player siya ng basketball at siya ang team captain. Hindi ko siya masyadong nasusuportahan sa mga practice niya pero wag kayo-lagi akong present sa laban nila. At syempre todo cheer ang lola niyo. Kaso, hindi niya ako napapansin. Ang daming babae niyan. Pero kahit ganun, hinahanggan ko pa din siya.

"Omg! BRAKE! Pa-picture."

"My Brake pa-hug."

"Brake baby pa-kiss. Kyaahhh!"

"Brake date tayo."

Napalingon ako sa pinagkumpulan ng mga babae. Lahat napunta sa kanila ang atensyon rather, sa kaniya ang atensyon. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kaniya?

Iniwan niya ang mga girls at pumunta sa direksyon ko. Napalunok pa ako ng tatlong beses. Hanggang sa nasa tapat ko na siya. May dala pala siyang mga Rosas. Para sa akin ba yung mga yun? Ito na kaya ang hinihintay ko? Napansin niya na kaya ako?

Huminto siya sa tapat ko at sinabing....
"Miss, pwedeng tumabi ka?"Yiiiiieee ang wafuuuu ng boses-wait sinabi ba niyang tumabi ako?

"Miss?"Tawag niya ulit. Napatulala pala ako sa kaniya. Eh ang gwapo niya kasi. Tumabi ako tulad ng sabi niya.

Inabot niya ang mga bulaklak sa babaeng kirida, kabit at ang karibal na sikat na si Stacy. Binigyan ni Stacy ng halik sa pisngi si Brake na ikina-tili ng lahat. Tss! Kadiri ah. Sa harap ko pa kayo naglandian.

Umalis na ako doon dahil maiinis lang ako. Pumila ako sa registration ng Incoming grade 10. Sinulat ko ang buong pangalan ko, address, cellphone number, Birthday at guardian. Basic! Tapos na akong mag-enroll. Saan naman ako pupunta?

Ah! Alam ko na, sa library. Sana bukas magbabasa ako ng mga tula eh. Pumunta ako ng library malapit sa likod ng school. May mga rumors na kumakalat tungkol sa library. May nagpapakita daw na multo. Tss! Wag kasing magpaniwala sa mga bagay na hindi naman talaga totoo.

Nakarating na ako ng library. Sakto bukas ang library. Ka-unti lang yung mga taong nandito at ang karamihan sa kanila mga nerd. Dumiretso ako papuntang dulo ng library kung saan ang mga tulang aklat ay naroon.

Kumuha ako ng isa. Ay nabasa ko na ito eh. Binalik ko yung kinuha ko at kumuha ulit ako ng isa. Nabasa ko na rin ito. Kumuha ulit ako ng dalawa at-

"Hi!"

"Aaaaaaaaaaahhhhhh mu--mu---mul---tooooo! Aahhhhhh!"Para saan pa ang sigaw ko? Hindi pala nila ako maririnig. Malawak masyado ang library at maraming gamit. Tinakpan ko ang mga mata ko.

Nagdasal ako ng our father. Sabi nila mabisang dasal daw yun eh. Tinanggal ko ang takip ng mata ko. Whooooo wala na siya. Baka guni-guni ko lang yun? Lumingon ako sa ibang direksyon at-

"AAAAAAHHHHH LU---LU--LUMAYO KA SA AKIN."Unti-unti kasi siyang lumalapit sa direksyon ko. Please lord magpadala po kayo ng taong may busilak ang puso na tutulungan akong maka-alis dito.

"Aish! Ang ingay mo. Ang sakit sa tainga."Napalingon ako sa nagsalita.

"WAAAAAHHHHHH MULTO!"Wala akong ginawa kundi ang sumigaw ng sumigaw hanggang sa-BLACK OUT.

■▨■▨■

"MISS! MISS! Hay. Ano ba yan? Ano bang gawin ko dito? Pagkamalan ba naman akong multo?"Narinig kong sabi ng kasama ko. Agad akong napatayo na ikina-gulat niya.

"Multo"Yun agad ang unang lumabas sa bibig ko.

"Multo? Miss, naniniwala ka doon? Psh! Kathang-isip lamang yun. Wag kang maniwala sa kanila."Medyo familiar siya sa akin. Bumaba ako sa lamesang hinigaan ko at saka ko hinawakan ng mga balikat niya.

"Totoo ang multo. Nakita ko siya! Gamit ang dilat at mulat kong mata! Totoo sila!"Inalog-alog ko ang balikat niya. Inalis niya ito.

"Okay! Kalma. Mas mabuti siguro kung ilalabas na kita dito. Tara na."hinila niya ang dulo ng damit ko. Hindi kasi kami close kaya hindi niya ako mahila sa kamay.

Nilingon ko ulit ang direksyon na kung saan ko nakita ang multo. Geez! Ayun siya. Naka-ngiti at kumakaway-kaway pa. Ghost is real! They exist! Scary. Naka-labas na kami ng library at binitawan na niya ang damit ko.

"Ma-una na ako, Miss?"Guy

"Dorime but you can call me Remy for short."Pagpapakilala ko sa sarili ko. Nilahad niya ang kamay niya at nagpakilala.

"Kookie. Call me Kookie. Nice to meet you Remy. Ma-una na ako. Hope we see each other again. Bye weirdo!"Na-una na siya. Tiningnan ko ang kamay kong hinawakan niya. Bakit may spark!? Oh gosh! kailangan ko ng umalis sa lugar na ito at baka makita ko na naman ang multong yun.

God, thanks po pinadala niyo po si Kookie to save me.



A/N: Story start. Picture credits to the owner.

PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)Where stories live. Discover now