P•A•C: CHAPART[2] 37- SURPRISE
DORIME
MONDAY na ulit. Naka uwi na rin si Kuya at kagabi lang. Hindi ko muna siya tinanong ng kung ano dahil pagod na pagod siya. Ano kayang ginawa nila don? Nahanap na kaya nila si Danner?
"Breakfast is ready. Oh! Nasaan ang kuya Dave niyo? Tawagin niyo nga at sabihing kakain na."Si Inay este si Mama. Iba na nga pala kinatatayuan namin, hangin na. Joke! Hindi kayo mabiro eh.
Nagpaunahan ang dalawang kambal papunta sa guest room kung saan, doon na nakatulog si Kuya.
Maya maya lang, hila-hila na nilang dalawa ang kamay ni Kuya, habang si Kuya naman ay antok na antok pa.
Para magising siya, tumakbo ako sa likod niya at horse-back ride ako.
"Aray ko po."Daing ni Kuya.
"Tingnan mo kung gaano ka-cute tingnan ang mga bata Angelito."Lumapit si mama kay papa at yinakap ito mula sa likod
Kaming tatlo naman, ginugulo si kuya. Nilamutak ko yung mukha niya ng magising na siya. Yung dalawa naman, hinihila siya at yung isa, gusto ring mag pa buhat.
"Ay teka, kuhaan natin sila ng picture at i-post natin sa facebook."Narinig kong sabi ni Mama.
"Kuyaaaaaa! Gising naaaaaa!"Tinapat ko ang bibig ko sa tainga ni kuya at sinabi ang mga yan.
"Angelito halika, mag groupie tayo."Lumapit silang dalawa. Binuhat ni Papa si Nathan at si Kuya naman kay Nathalie.
"Okay 1, 2, 3 smiiiiiile."
*Click
"Sandali, post ko lang ito sa facebook. Hays. Ang saya ng pamilya natin. Hoy Dave, gumising na at kumain na dito. Bumaba ka na rin Remy sa likod ng kuya mo. Ibaba mo na yan si Nathalie at baka malate pa ang mga bata sa school."Ganyan ang nanay natin. #Mother'sLove
Umupo na kami sa kaniya-kaniyang upuan at nag pray muna bago kumain.
"Kuya Dave bilisan mong kumain, maliligo ka pa."Sabi ko sa kaniya. Kaharap ko siya at wala pang enerhiya na kumakain. Ano kayang ginawa nito at pagod na pagod?
![](https://img.wattpad.com/cover/106317976-288-k489896.jpg)
YOU ARE READING
PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)
MizahThe day I met him, my life changed. I did not expect I'll meet him. I didn't expect he'll be the voluminous part of my life. I thought he's an enemy. -Dorime Ily Cryme💙