P•A•C: CHAPART[2] 32- SHIP
DORIME
Continuation......
SUMAKAY ulit kami ng Van at mabilis na nag maneho si Kuya Brylle dahil late na ng 2minutes si Danner.
Tulad nga ng sabi ko, magkakalapit lang naman kaya mabilis kaming nakarating sa Café Con Ella.
Napa-wow ako sa ganda at simple ng Café. Mala french ang dating talaga. Mayayaman lang makakapasok dito. So, I'm belong. Hahahaha
"Bilisan na natin."Mr. Yu
Siya ang unang bumaba at mabilis na pumasok na akala mo'y may dadalawin na pasyente.
Pinagbuksan naman kami ni Kuya Brylle ng pinto at lumabas.
*Gruuuuu
"Oppps!"Tinakpan ko ang tiyan kong nag rereklamo dahil gutom na.
Shet! Wala nga pala akong kain kanina pa. Huhuhu nakakahiya.
"Tsk! Late kasi gumising."Danner.
Pumasok na siya agad at wala akong na gawa kundi sumunod. Nasulyapan ko pa si Kuya Brylle na patagong tumatawa. Huhuhuhu mga walang awa.
Pag pasok ko, lalo akong napahanga. Ang ganda. Ang ganda ng chandelier. Lakas makapang mayaman.
"Ma'am, have a seat. Your order will be deliver here."Isang waitress ang lumapit sa akin at pinapa-upo ako sa malapit na bangko.
"Ah? Ha? Hindi ako umorder."Nahihiyang sabi ko.
"Ako umorder."Sumulpot sa kung saan naman si Danner. Sinenyasan niya yung waitress at saka umalis.
"Nagrereklamo na tiyan mo. Alam kong sinisisi mo ako kaya nilibre na kita dito sa Mahal na Café."Pinag diinan niya ang "Mahal". Ahmmmm? So what does it mean? Double meaning kasi eh. #Assumera2018
"Wow! Sinapian ka ba? Bigla ka atang bumait."Sarcastic
Pero nahihiya ako dahil nilibre niya ako. Hindi na ako makatanggi dahil sumasakit na tiyan ko sa gutom. Maya maya lang, dumating na ang order.
Cake, carbonara at syempre ang dahilan kung bakit ito ang pinatayo, ang Kape. Dalawang kape at isang cake at carbonara lang. Lalo akong nagugutom.
"Sayo na yan. Kape lang akin."Danner. Kinuha ang isang tasa at saka humigop. Tiningnan ko labi niya habang dinilaan ang natirang kape sa labi.
Ano kaya lasa ng labi niya?
"Gusto mo? Iyo rin?"Nakakaloko niyang tanong. Bumalik ako sa realidad at saka kinuha ang tinidor at kumain.
YOU ARE READING
PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)
ComédieThe day I met him, my life changed. I did not expect I'll meet him. I didn't expect he'll be the voluminous part of my life. I thought he's an enemy. -Dorime Ily Cryme💙