P•A•C: CHAPART[2] 36- LETTER
DORIME
FRIDAY na. Papasok kaya si Danner? sana naman.
Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba. Hinanap ko yung kostse ni Kuya pero wala.
"Manong, hindi pa ba nauwi si Kuya?"Tanong ko kay Manong na nagdidilig.
"Umuwi siya kanina Ma'am tapos umalis din agad. Nagmamadali."Sagot ni Manong. Tumango ako at nag pasalamat.
Anong meron? May nangyayari ba na hindi ko alam?
Naku! Maglalakad ata ako papasok ng Milton! Papabili na nga ako ng kotse next time para hindi hassle.
Beep
May nag message. Kinapa ko phone ko sa bag at ng binuksan ko ito, message ng unknown number. Binuksan ko ito at nakalagay Good morning Remy. I guess, alam ko na kung kanino galing ito, kay Ruth.
I replied back at nag simulang mag lakad palabas ng village namin.
Peepeep
Pagkalagpas ko ng gate ay may bumusina sa kabilang kalsada. Binuksan niya yung bintana at kumaway si Ruth. Ano ginagawa niya dito?
Pinaandar niya yung sasakyan at tinigil sa tapat ko.
"Ahmm Hi. Hmmmm... Mag isa ka lang?"
In fairness, yayamanin ang isang nerd na 'to. Hmmm. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.
"May nakikita ka ba na kasama ko? Hehehe"Pakikipagbiruan ko. Napatingin pa siya sa kabilang side ko, hays! Sineryoso ata.
"Wala"Inosente niyang sagot at tinaas ang kaniyang salamin dahil dumudulas ito sa kaniyang ilong. Hindi niya siguro alam ang joke.
"Hays. Never mind. Ahmm Ruth, una na ako ah? Baka kasi malate ako."Sabi ko sa kaniya at nag wave pa aalis.
"Wait! Sabay ka na lang sakin. Iisang school lang naman tayo."Mabagal niyang pinaandar ang kaniyang sasakyan habang sinusundan lakad ko.
"Aahh kasi nakakahiya."Ngumiti ako ng pilit at tumingin sa ibang direksyon.
"Wag ka na mahiya. Sakay ka na."Hindi ko alam kung mabait talaga siya o ano. Binuksan niya ang pinto habang siya'y nasa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/106317976-288-k489896.jpg)
YOU ARE READING
PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)
HumorThe day I met him, my life changed. I did not expect I'll meet him. I didn't expect he'll be the voluminous part of my life. I thought he's an enemy. -Dorime Ily Cryme💙