P•A•C: CHAPART[2] 31- TASTE OF HIS LIPSDORIME
MAAGA akong nagising dahil ginising ako ng mag kambal dahil daw may naghihintay sa akin sa labas.
Friday na pala ngayon. Yes sa wakas. Makakapagpahinga na ako bukas.
Ginawa ko na ang morning routine ko at nagpaalam na sa mag kambal.
"Tsk! Tama bang paghintayin mo ang Boss mo?"Inis niyang sabi sa akin.
Yan agad ang sinabi niya. Hindi man lang nag good morning eh.
"Good morning din." Walang gana kong bati at umikot para pumasok.
"Tss. There's no good in morning."Sungit.
Sigh.
Sa gilid ng mata ko nakita ko siyang sumulyap sa akin.
"Next time. Agahan mo ang gising mo. Paparusahan kita pag ako na naman ang nauna sayo bukas."Blah blah blah.
Teka
Bukas? Eh saturday na bukas. Walang pasok.
"Walang pasok bukas. Satu----"Hindi natapos sasabihin kasi agad siyang nagsalita.
"Yah. I know. Pero meron akong pictorial bukas. At bilang maid ko, dapat nandon ka."Napatingin ako sa kaniya.
WHUT!? THAT DAY SHOULD BE MY REST DAY.
Aggggh. Nakakainis.
Hinagis niya yung phone niya sa akin.
"Oh. Anong gagawin ko dito?"Takang tanong ko.
"Lagay mo number mo diyan. Ite-text ko sayo yung schedule para bukas."Sabi niya habang nagmamaneho.
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Hays. Kung hindi ko nga lang kailangang gumanti sa kaniya eh.
Dumungaw ako sa bintana. Natatanaw ko na yung school namin.
Nakapasok na kami ng school at agad naman niyang pinark ang kotse niya. Nauna akong bumaba at sumunod siya.
"Bitbitin mo." Hinagis niya sa akin yung bag niya.
Aray. Tumama sa ilong ko yung bag niya.
"Ang sakit ha!" Sigaw ko sa kaniya. Nauuna na kasi siya sa akin. Nilingon naman niya ako at kinindatan ako.
Dug
Dug
Dug

YOU ARE READING
PARKNER AND CRYME (ON-HOLD)
HumorThe day I met him, my life changed. I did not expect I'll meet him. I didn't expect he'll be the voluminous part of my life. I thought he's an enemy. -Dorime Ily Cryme💙