Mapapansin Kaya

10.9K 81 11
                                        

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Mapapansin Kaya (My dreams come true)

"Alfonzo, naalala ko pa rin ang mga araw na palagi kitang tinitignan at sinusundan sa malayo habang masaya ka sa piling ng iba. 4 years kitang naging classmate noong highschool. Naging magkaibigan tayo, kahit palagi mo akong kinukulit at inaasar okay na sa akin yun. Ang importante, pinapansin mo ako.

Naalala ko nga one time nasa bleachers kami ni Angie at Rica, pinapanood kita sa gilid ng stage kung papaano mo lambingin si Xenia. (Your ex) Sa bawat pagtawa at pagyakap mo sa kanya, pakiramdam ko unti-unti mong pinapatay ang puso ko.

Sige, tingin pa girl!-Rica.
If I we're you? Uumpisahan ko ng mag-move on!-Angie.

You won't find the right one, if you won't let go of the wrong one. Yeah right?! The more na umaasa ka, the more na masasaktan ka.

And the day comes, na nagkaroon ako ng suitor tropa din natin si Nathaniel. Napansin ko na parang umiiwas ka sa akin hindi na gaya ng dati na palagi mo akong kinukulit o binibiro. At dumating na nga yung araw na sinagot ko siya. I know I already love him. Pero iba pa rin pagdating sa'yo. Habang nakatambay tayo at umiinom sa Mariposa, napansin ko nakatingin ka sa amin dalawa ni Nathaniel. Dumating pa yung point na nag-aasaran tayong lahat, at bumanat ka sa amin dalawa.

Tol, hindi kayo bagay ni Gaile.-Fonzo.

Tumawa silang lahat pati si Nath, pero ako pakiramdam ko may ibig sabihin yun. Kasi ang sama ng tingin mo sa amin kahit nakangiti ka. English day program natin noon sa school, isa ka sa mag iintermission kasama ang iba mong kabanda. Hindi ko gustong bigyan ng kahulugan kung sa akin ba o sa iba ang kantang inawit mo.

Do you do what you did when you did with me does he love you the way I can. Did you forget all the plans that you made with me cause baby I didn't..

That should be me, holdin' your hand. That should be me makin' you laugh that should be me this is so sad....

It's funny how you use that time to
have me replaced....

I need to know, should I fight for love or disarm, It's getting harder to shield this pain in my heart....

This is so wrong, I can't go on, till you
believe that should be me....

Ganiyan ang nararamdaman ko dati sa tuwing pinapanood kita sa malayo habang masaya sa piling ng iba, Alfonzo.

We graduated in highschool. I already left you, because my mom and dad wants me to excel my studies in california. Same thing na naghiwalay kami dahil dito ni Nathaniel. Ang rason, hindi nya raw kaya ng long distance rel'ship.

Ilang beses kitang inadd sa facebook, pero hindi ka man lang nagresponse. Apat na beses ako nagkaroon ng rel'ship sa california. Pero walang araw na hindi kita naiisip. Maybe I treasured all our memories. When I graduated in college, napag isipan ko na rin umuwi dito para tumulong na rin sa business ng family ko. Coffee shop.

Nagkaroon tayo ng in-plan reunion sa batch natin kailangan natin maghanda. Nakita ko lahat ng suggestion ng mga kabatch natin sa comment box, nabasa ko rin ang suggestion mo. Kaya minabuti ko na rin magsuggest kung anong idea ang pwedeng gawin sa gaganapin party. And that night, I was too shocked dahil bigla mo akong inadd sa fb.

Nung nakita kita sa reunion. Marami na talagang nagbago sa'yo. With your perfectly body build body, lalong nadagdagan ng gestures ang pagiging gwapo mo. And I heard the news na isa ka ng Architect. Pero ang hindi ko maintindihan, para kang naiilang sa akin. Hindi ka na makatingin sa akin ng diretso.

Few months later, habang nag-tatype ako ng report sa laptop biglang may lumabas na notif sa messages. Nakita ko ang pangalan mo. Ok, relax Gaile. Baka may itatanong lang siya sa'yo.

Nagpalitan tayo ng hello sa isa't isa. Marami kang inopen na topic. It's kinda weird pero hindi ako nagconclude o nag isip kung bakit bigla ka na lang nag message.

And then one night, I was so shocked dahil sa sinabi mo sa akin. (Would you like to go out with me? Dinner, I mean) I feel so nervous that time. Hindi ko kayang bigyan ng kahulugan kung para saan ang paanyaya mo.

Ilang beses na tayong lumabas. Minsan kasama ang mga kaibigan natin. Kuntento na ako kung anong meron tayo ang importante pareho tayong masaya. Pero mas lalo akong nagulat sa sumunod na nangyari. Nag-aya minsan ng session si Paul. Nagpaalam ako saglit para mag smoke sa labas medyo may tama na rin kasi ako, pero ikaw, parang wala lang. Narinig ko kaagad na palapit ka sa akin sinabihan mo pa ako na hindi maganda sa isang babae ang naninigarilyo.

Narinig ko ang pagsinghap mo bago ka magsalita.

Abigaile. I have something to tell you.-Fonzo.
What is it?-Me.
Tumingin ka sa akin. Ang tagal mo akong tinitigan kaya medyo kinakaban ako.

Up until now. I still remember the words you said to me that night baby.

I'm taking my heart back, Gaile. I can't deal with this anymore. I'm not strong enough and I'm so tired of pretending.-Fonzo.

Go straight to the point, Fonzo.-Me.

Please give me a chance, Gaile. Let me court you.-Fonzo.

I left you that night with no answer. I'm sorry, pero nabigla ako sa sinabi mo. 3 days had passed nagparamdam ka sa akin thru call. Tinanong mo kung okay lang ba ko, sinagot kita ng yes. Dalawang beses na sinabi kong yes. Nagtaka ka kung anong ibig sabihin nun, so diniretso na kitang yes, payag na akong manligaw ka. Gusto kong matawa sa reaction mo habang magkausap tayo sa phone. Sounds OA but a little bit sweet.

2 months kang nanligaw. Nakita ko ang determinasyon mo para sa akin. So I've already decided, na dapat sagutin na kita. Pareho tayong masaya nung araw na iyon lalong lalo na ang mga kaibigan natin. Dumaan ang ilang araw at buwan, maraming dumating na pagsubok sa relasyon natin. Pero pareho tayong lumalaban.

Wanting him is hard to forget.

Loving him is hard to regret.

Losing him is hard to accept.

You have no idea baby. Ang dating lalakeng pinapangarap ko lang noon, ngayon ay katabi at kayakap ko na.

I may not be your first love, first kiss, first sight or first date. But I want you to be your last everything.

Happy 2nd Anniversary, Baby Alfonzo. No words can express how much I love you.

Now playing: You and Me (Lifehouse) "

GFonzzy_Lovey

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon