Real Life Jonaxx Boy/Girl 
Experience 
Inyo na si Azi! 
                              "(Warning: medyo malaswa)
                              ""Hoy, may papel ka ba diyan?""
                              ""Meron, sa buhay mo lang naman wala.""
                              ""Corny mo!""
                              ""Pogi naman.""
                              ""Mas pogi padin si Azi.""
                              ""Halikan kita diyan eh! Tingnan natin kung sinong mas pogi sa aming dalawa.""
                              5 years na kaming magkaibigan ni Azrael (tawagin nalang natin siya niyan), simula nung naging seatmates kami ng Grade 6 ay naging tropa ko na siya (wala siyang choice dahil yung kabilang katabi niya ay pader na). Kilala siya sa school namin hindi lang sa taglay niyang kagwapuhan kundi pati narin sa kakulitan niya, in-born na pervert at pagiging bolero na siya namang nagiging madalas na dahilan kung bakit maagang nasisiraan ng utak yung mga kababaihan sa paaralan namin. Inaamin kong matagal ko na din siyang crush pero di ko yun sinabi sakanya at baka asarin lang ako't pagtatawanan ng tungaw na yun. Pero, bakit ko nga ba siya ipamimigay? kasi ayaw niyang ibalik sakin ang itim kong bra! Putek talaga. Feel at home kasi yung tukmol sa bahay namin tas sakto pang nagtutupi yung ate ko sa sala nung araw na yun. Inaantay niya ako sa baba kasi nagbibihis pa ako nun, sabay kasi kaming pupunta sa birthday ng kaklase namin at nagtaka naman ako nun kung bakit ang laki ng ngiti niya tas kikindatan niya pa ako pag nagkakatinginan kami buong oras sa party. Inaasar na nga kami kasi panay yung sulyap niya sa akin pero binalewala ko naman kasi alam kong ganun na talaga siyang may saltik sa utak. 
                              Alas 8 ng gabi nung hinatid ako ni Azrael sa bahay at nagulat pako nang tumawa siya ng malakas sa harap ko nang makarating kami sa may gate. Inis ko siyang tinanong kung bakit ang lakas ng tama niya ngayong araw and I swear, hanggang ngayon ay kinikilabutan padin ako sa tuwing naaalala ko kung paano niya itinaas ang hawak na itim kong bra, jusko naubusan ata ako ng dugo nung gabing yun sa sobrang hiya. Pinagpapalo ko siya nun at pinilit kong kunin pero dahil mas matangkad siya sa akin ay di ko yun naabot tas depensa pa niya sa akin ay di niya daw kasalanan kung bakit nahulog yun sa sahig. Isang buwan na ang nakalipas at hindi niya padin binabalik yung bra kaya di ko siya pinapansin, nahihiya at napipikon na talaga ako tuwing tatawa siya pag nagkikita kami! Ayaw niya nadaw ibalik dahil remembrance niya nadaw yun sakin, leche flan talaga!! Natatakot akong baka makita yun nila tita at tito, jusko!! Lamunin na sana ako ng lupa! Lintek na Azrael kahit kailan ay pahamak talaga!! Hanggang ngayon iniisip ko padin talaga kung paano niya iyon natago nung araw na yun eh wala naman siyang dalang bag? imposible naman sinuot niya! mahirap din itago yun kasi di naman yun baby bra na madali tupiin! Aba ewan! AYOKO NA MAG-ISIP! Punyemas, iilan na nga lang yung bra ko, nanakawan pa! TSK! NAKAKA-BEASTMODE! Anyways, dun kay ate na naghahanap ng J-boy sa buhay niya oh eto teh, iyong iyo na si Azrael ko! 
                              (friendly reminder) ikandado niyo na ang mga aparador niyo para di kayo mabiktima sa kamanyakan ni Azi. Magkamatayan na wag lang talaga manakawan ng ganun! Please spread. HAHAHAHA" 
                              -Ang mahiwagang bra ni Agape.
                                      
                                          
                                   
                                              BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
 
                                               
                                                  