Akala ko siya na

483 12 0
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
AKALA KO SYA NA

"Jsl ako simula nung nag grade 8 ako. Ewan ko ba. Basta unang kong kinainlove-an ay si Elijah. Kaya lang, inagaw sya ng bruha kong classmate. Kaya ayan.'

Akala ko sya na. Akala ko sya na yung jonaxx boy ng buhay ko. Nakakatawa dahil bakit nga ba ako nainlove sa isang taong hindi ko pa kilala.

Yeah. hindi ko pa sya kilala. Nagsimula lang ito ng pinasok ko ang RPW or Dummy World.

Iba ang pangalan ko doon at iba din ang kanya. Sumama ako sa isang group. Mga Spg yon, hahahaha! Pero tagabasa lang ako. yung group na yon, naggawa ng group chat. At sa group chat na yon, nandoon kami pareho. Tahimik lang sya doon, minsan lang magchat. Hindi tulad ko na napakaingay.

Ito na nga, nagsend sya ng picture ng piano. Tapos, nagtanong sya kung sino ang naka TM o Globe. Dahil bored ako nung mga panahon na yon, sinabi kong ako.

Nag PM sya sa akin. Binigay ko ang number ko, at maya maya lang ay tumawag sya.

Ewan ko ba, pero nung narinig ko yung boses nya, feeling ko sya si Jacob ko (asawa ko si Jacob, kaya Jacob ko) ang lalim ng boses nya. Ang husky!

Tinanong nya ako kung ilan taon na ako. Ang sabi ko "" E-Eighteen?"" yeah. Nauutal ako ng sinabi ko yan. Nagsinungaling nga ako eh. Ang totoo nyan 15 palang ako.

Tumawa sya saka sinabing ""Ganon? Hindi ka sure?"" napangiti nalang ako. Ewan ko, pero parang gustong gusto kong marinig yung boses nya. Ang ganda kasi.

Ayun na nga, tinugutgan nya ako ng piano. 'Ikaw by Yeng Constantino' ang una nyang tinugtog. Syempre, hindi ko maiwasan ang mapasabay sa kanta. Pero agad akong nanigas sa kinauupuan ko nang tugtugin nya ang paboriton kong kanta--- ang All of me.

Tuwang tuwa ako that time. Kaya lang, binitin nya ako! Tumawa sya noon saka sinabing ""Eto, hulaan mo""

Hinintay ko syang tumugtog ng panibagong kanta. Pamilyar yung tinugtog nya. sabi ko ""Ano yan? Pamilyar ah""

Bigla nya lang ako tinawanan saka sinabihan ng sira ulo. HUHUHUHU! ""Kabit yan, sira ulo"" sabi nya kasabay ng tawa nya.
Pati tawa nya ang ganda. Naalala ko yung time na tumatawa si Jacob. Bakit ganun?

Hanggang sa yon. Nalaman ko na 17 years old at kagaya ni Riguel, senior na sya. Para tuloy ako si Lilienne at sya si Riguel ko (asawa ko din si Riguel) 2 years lang din kasi agwat. Hahays.

Nalaman ko din na nag gi-Gig sila. Tumutugtog sila ng kabanda nya. Orayt! parang sila Noah lang.

Tinanong ko din kung may ka Rs sya sa RPW at real life. sabi nya wala naman. Tinanong ko kung bakit, sabi nya hindi daw sya naghahanap ng gf kasi kusa daw dumadating yan. Like OMG! ako na lang! hahahaha. Sabi nya din na marami daw galit sa kanya dahil masungit sya sa personal. Teka, si Noah na ba ito?

Araw araw sya ang kachat ko sa DA ko. Minsan naman, magkatext kami.

isang araw nagpaalam sya na aalis na sya sa RPW. Tinext ko sya nun para itanong kung totoo yung pamamaalam nya.

Ako: Goodbye RPW ka na?
sya: Wala yooooon hahahaha!
Ako: Weh?
Sya: /humiga sa lap mo/ wala yon
Ako: BAkit sabi mo?
Sya: Hahahaha wala lang. /binuhat ka/
Ako: Saan mo ako dadalhin? hahaha
Sya: Sa kwarto. Matulog ka na, para lumaki ka
ako: Hays. Ayoko matulog

Tapos ayan nagkulitan na. Kinabukasan, pag online ko sa account ko, nakita ko syang nagchat sa Gc.

Natawa naman ako kasi akala ko aalis na sya. Tapos, bigla nalang sya nag PM

Sya: Kash (yan kasi name ko sa DA)

Syempre, nataranta ako kasi dati dati ako ang nag p-PM sa kanya. Ngayon sya na.

Ako: Oh?Why? (ganyan lang sagot ko, baka magmukha akong chipipay pag mahaba ahahaha)

Sya: Wala lang (insert naka kiss na emoticon)
Ako: Namiss mo ako?
Sya: Achuchu
Ako: Aw namiss ako ni CS
Sya: (nagsend na vm)

WTH?! free data ang ako nung mga panahon na yon kaya diko mapakinggan. Tapos tinanong ko kung ano yon. Sabi nya kumanta daw sya. Nainis ako sa sarili ko that time, kasi hindi sya kumakanta eh.

Tinanong ko kung ano kinanta nya sabi nya All of me. Nakakainis! All of me na yun eh. Tapos sabi ko wag muna sya magcha-chat dahil matatabunan. At dahil makulit ang lolo nyo, tinadtaran nya ako. Nakakairita! Tapos ayun. Basta may pinag usapan din kami ahahaha.

Nagjoke ako sa kanya. Sinabihan ako ng CORNY!!! hiyang hiya ako non. Tapos pagkatapos non kinuha yung phone ko. Inis na inis ako non kasi apat na araw. Apat na araw ko syang hindi nakachat. Kaya nung binigay sa akin yung phone ko. Agad agad akong nag open non. Nakita kong may message sya. Rereplyan ko sana kaya lang sabi ""This person cannot receive your message"" WTH?!binlock nya ba ako?

Lumung lumo ako nung mga panahon na yon. Nakakainis. Hindi ko sya tinetext baka kasi galit yon sa akin o binlock din yung number ko. Ang hirap. Sya na nga lang yung dahilan kung bakit ko inoopen yung account na yun eh, tapos mawawala din. ibablock nya din ako. Hustiya.

Akala ko sya na. Akala ko sya na ang jonaxx boy ng buhay ko. Kaya lang akala lang pala. Nakakainis ka CS. Bakit ka ganyan. Napakinggan ko na nga pala yung vm mo. Bwisit ka hahahaha. Alam kong hindi ka nagbabasa dito kasi minsan ka lang din magbasa ng watty. wala kang inerest doon diba? kaya safe ako ahahaha.

Bye bye my Jacob, Riguel Noah. hanggang sa muli. Sana makita mo na si Jonaxx girl mo. Kantahan mo sya ah. Swerte nya sayo."

-Kash moto

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon