Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Utot
"Nakasakay ako nun sa jeep, masakip na pero may sumakay pa din. Lalaki siya at dahil gabi na nun, hindi ko masyadong nakita yung mukha niya pero matangkad siya at maganda yung built ng katawan niya. So pag sakay niya umupo siya sa harapan ko, nakatungo lang ako nun kasi gusto kong matulog pero nung nakita ko legs niya na curious ako kasi maputi yung legs eh, malay ko baka gwapo hahahaha.
So pag angat ko ng tingin, jusko ang wafu mala Hendrix Ty si kuya hahaha. Nag ka eye contact pa kami nun pero ako din ang unang umiwas kasi hindi ko ma take yung pagka titig niya gamit yung singkit niya na mga mata, yung matangos din niyang ilong at pinkish na lips. Nung may bumaba sa tabi ko lumipat siya dun so bale katabi na kami, inubo ako nun pero pinigilan ko para hindi ako mapahiya sa kanya, baka akala niya may TB ako hahahaha bawas point yun. So habang nag pi pigil ako ng ubo, naka utot ako hahahaha pero yung wala tunog na mabaho.
Ghad sobrang nakakahiya yun kasi napatakip siya sa kanyang ilong, habang ako nag aact na parang inosente ako hahaha nagtakip pa ako nun sa ilong ko para effective yung pag act ko. Pumara na siya nun pero bago siya bumaba, lumapit pa siya sa akin at bumulong ng, ""Alam kong ikaw yon."" at bumaba na siya habang may ngisi sa kanyang labi.
Para akong tinakasan ng kaluluwa nun at natulala habang nakatingin sa kanya na kumakaway sa akin habang papalayo ang jeep, kumindat pa si kuya. Grabe napahiya ako kay Hendrix hahaha pero di bale kapag na meet ko siya ulit, gagawin ko lahat para ma impress siya sa akin. Sana ma meet ko siya ulit."
- Erin kuno
BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
