Riguel? II

381 13 1
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Riguel? (Part II)

After that confession of mine, mas madami na ang nangyari. Tumino ako, as in sobrang tino na talaga, hindi mo aakalain na ako yun. Halos inabandona ko na nga ang mga kagrupo ko noon dahil lang hindi na ako nakikisakay sa mga trip nila. Ngunit ang mas nakakagulat doon ay ang pag iba ng trato ni 'Riguel' saakin. Like when I was sent home by the clinic, siya pa iyong nag hatid ng bag ko. When I was absent for two or three consecutive days, bigla na namang nag text saakin ang best friend ko na nagtatanong daw si Riguel sakanya kung bakit raw ako absent o anong nangyari saakin. It was so weiiiiiiird! At ako naman ang dakilang ambisyosa, kinikilig ng todo si lola niyo!

I like drawing so much, so I bought a sketchpad. Doon din mas lalong naging weird dahil pag nasa library ako (oh diba? Everything has changed na talaga) o di kaya gumuguhit ako, tumatabi siya saakin. Pinaglalaruan niya yung eraser ko, kinocompliment niya pa ang mga drawings ko! Oh diba? Tas nagulat nalang ako kasi ako yung pinili niyang pair sa isang gawain namin! Pinadala niya talaga saakin yung coloring materials and eraser niya sa bahay ko. Then, ako naman etong loka-loka. Hindi na binalik ang eraser niya! Remembrance kumbaga! Alam niya naman iyon tas tuwing may activities sa classroom, kapag hihiram siya ng eraser sa ibang kaklase then nakita niya yung eraser niya saakin, iyon ang hihiramin niya instead noong eraser ng iba! Pero binabalik niya din naman saakin pagkatapos.Then one time, nagulat ako kasi titig na titig siya saakin, as in sobrang titig na titig habang nagkaklase hangang sa natapos! Then sabi niya noong break ""Pumuti ka."" Oh diba! Napapansin niya yun?! Nagugulat lang talaga ako dahil parang bigla nalang talaga naging salungat ng mga nangyayari dati sa mga nangyayari noon! Mas lalo pa talagang mas nagiging katulad siya kay Riguel lalo na kapag nagiging protective siya. Ayaw niya akong mag cutting, uminom o lumalandi. He will always interupt and say ""Hindi siya pwede. Kayo nalang."" Not only that, I met his mom! And gustong gusto ako ng nanay niya, jusko maryosep!

Also, during our CLE activities, we were given the chance to talk to each other one on one. Nagulat talaga ako doon sa sinabi niya. ""Gusto ko ang Lili na kilala ko ngayon, ganoon pa rin ang lili na makikilala ko sa future."" Sobrang lapit pa namin tas nakaholding hands ha! then meron ding ""Kahit anong mangyari, hindi kita makakalimutan."" Sabog talaga puso mga bes! Then recently, nagkita kami sa isang party eh, uminom ako at sumayaw sa dance floor pero babae naman kasama ko, nagulat nalang ako ng biglang nasa tabi ko na pala siya kaya ayun tinulak tulak ako ng mga kaibigan ko! Eh hindi kami okay nun (hangang ngayon kasi medyo nagalit na naman si boss saakin) kasi narinig niya mismo saakin na nagyaya akong umescape kasama ng mga kaibigan ko. Masama tingin niya saakin noon pero hindi ako nag paawat! Ayun galit!

May sinabi siya saakin! MAG CCPA LAWYER SIYAAAAAAAAA! I remembered his speech when he said ""I want to be a lawyer because I want to stand in behalf of those people who can't stand for themselves. Also, after my success, I want my happiness."" Eh nasa harapan ako noon tas tumawa ako dahil sa sinabi niya kaya ngumiti siya saakin sabay sabi ng ""Your laughing, you ask me why?"" Puso bes pusoooo! Lalo na ng sinabi niya na ""because, what is my success without my happiness?"" oh diba? Feeling ko talaga nasa mundo na ako ng Tripped! Jusmiyo! Hangang diyan lang muna mga bes, galit pa din siya ngayon saakin eh! HAHAHAHAHA! Current status namin is galit galitan. HAHAHHAHAHAH! Wala ng ma sabi si Isabela sa kuwentong eto dahil, si Lili ay para kay Riguel lamang period!

P.S. Gusto kong ishare sainyo ang drawing niya sa pad ko kaso, may kabatch akong JSL."

-Lili

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon