Tripped

474 13 0
                                        

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
// T r i p p e d //

"Just like Liliene, Cuttingera, manginginom, madalasa sa guidance office, black sheep ng pamilya o kung ano pa man tawag sakin.

Nakaka tuwa na parehas na parehas kami ni Lili, oo may mga similarities pero kasi sya nagustuhan sya ni Riguel right?

Here's my story, kilala ako sa school namin kagaya nga ng sabi ko not your typical girl in school. Ako kasi pumapasok para asarin yung mga teachers ko, nag cu cutting kasama barkada, umiinom, yosi, bumabakod, nambubully. Ang layunin ko lang talaga ay pumasa! Pero meron akong lalaking gustong gusto!

Iba sya, kagaya sya ni Riguel, family oriented, masipag na studyante, president ng science and math club, SSG student. But not nerd! Ewan ko sobrang attracted ako sa kanya!

Gustong gusto ko sya kaya palagi ko sya tinatawag, kinakawayan. Tinatawanan pa nga ako ng mga tropa ko dahil isang katulad ko daw nag hahabol sa kagaya nun.

Lagi nilang sinasabi na wala akong pag asa dun na langit sya, lupa ako. OO MGA HUNGHANG YANG TROPA KO KAYA GANYAN YAN SILA. (Pero mahal ko sila lol)

Kaya ayun minsan tumatabi ako sa kanya sa canteen, papasing tunay talaga ako. Nag cu cutt din ako mag isa pag alam ko na may meetings sila. Wala lang, gusto ko makita kung pano sya mag lead eh.

Ang gwapo gwapo nya, kaso ang sungit sungit! Akalain nyo yun? Di ko pa sinasabi na gusto ko sya sabi nya na sakin ""I don't like you"" ahhh f*ck you nalang nasabi ko e. Kainis.

Walang wala naman kasi ako sa gusto nyang babae, maganda, mabait, matalino kabaliktaran ko lahat lahat.

But kagaya nga ng sabi ko makulit ako. Kaya chinase ko sya. Nag papadala ng sulat! (Corny asf) Bulaklak, pag kain na gawa ko.

Niligawan nya ko oo, akala ko panaginip lang eh pero nanligawan nga sya. Sabi nya din ipasa ko lahat ng subjects ko, mag pa katino na ko na ginawa ko kasi mahal ko sya.
Mahal na mahal na kahit anong sabihin nya ginawa ko kasi mahal ko sya.

Pero lintek nga naman na buhay to oo! Malaman laman ko na literal na 'TRIP' lang pala ang lahat hahahaha

Trip, pustahan lang bes! Sila ng mga kaibigan nya pati nung babaeng gusto nya. Na kung mapapatino daw ba ko. Wow, yung tinuring ko na Love story, Toy story lang pala sa iba. Pun**** mag kano ba pinusta? Babayaran ko nalang ta** i**.

Money over my f**king heart! Lugi ako, luging lugi. Lokohan lang pala yung sineryoso ko.

Ang sakit, lahat sakin binago ko. Lahat ng bisyo tinanggal ko. Pati mga kaibigan ko iniwan ko para sa g*go.

Pero wala eh. Mag kaparehas kami ni Lili oo, pero wala. Hinding hindi sya magiging si Riguel. May paninindigan yun eh yung minahal ko wala. Walang balls.

Pero salamat nadin, nawasak ako at wasak padin ako pero atleast napag tanto ko kung sino mga tunay na kaibigan ko.

Na sa kabila ng pang gag*go mo, nag stay yung mga taong tinaboy ko.

Matalino ka pero di ko alam na may pag ka bobo ka din pala.

Muntik ka na nga bugbugin ng mga tropa ko buti mahal pa kita kaya pinigilan ko sila.

Pero alam mo? Umaasa padin ako, na baka kahit konti minahal mo ko. Na baka kahit papano nahulog ka sakin. Kasi ako hulog na hulog pero di ko na alam pano umahon eh. Pero kagaya nga ng sabi nila, di ka worth it.

Balang araw kung mag kasalubong man ulit tayo f*ck you nalang sasabihin ko sayo. Ciao!"

- ish

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon