Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Lovelife ko, nganga.
"Ikekwento ko sa inyo na totoo ang jonaxxboys.
May pinsan ako. Maganda, matalino pero maldita. Ako naman, tahimik, matalino at... at... matalino ulit. So close kami ng super duper ng pinsan ko. One time, habang naglalunch kami kasi same naman vacant namin noon, may lumapit na lalaki. As someone who have been hopeless romantic, kilig na kilig ako. Akala ko ako ang pinunta... yung pinsan ko pala. Saklap, bra.
So eto na nga, hiningi niya name ng pinsan ko. Ako naman ngingiti-ngiti kasi sobrang gwapo talaga ni kuya. As in! Iyong masasabi mo na lang talaga na, "Lord, thank you sa mga biyayang ganito!" Yung pinsan ko maldita talaga iyon, mataray talaga. So hindi niya binigay yung name sa guy. Tatawa-tawa naman yung lalaki, jusko po! Ang ganda ng tawa, sarap pakinggan na parang musika. At ang pogi niya talaga! Matangkad, feeling ko nga umabot siya ng 6 ft. Maputi pero di as in yung oa talaga, at may dimple! Nakasalamin at omygahd talaga Lord, may earing si Kuya. Sa kaliwang tainga, dalawa. Mangiyak-ngiyak ako noong araw na yun talaga, pinagdasal na sana ako na lang, pero wala bra, nganga. Yung pinsan ko talaga puntirya ni Kuya.
After that day, lagi niyang kunukulit pinsan ko. Pinagtanong-tanong niya name ng pinsan ko at ako naman, everyday nakakakita ng gwapo, kasi everyday nga siyang nangungulit sa pinsan ko. Sinabi niya rin na gusto daw talaga niya yung pinsan ko. Eh yung pinsan kong maldita, mukha di naman marunong kiligin, kainis. Sana ako na lang, sana ako na lang, pero wala, nganga. Si pinsan talaga.
Hanggang umabot ng third year college ang pangungulit niya. Eh, second year college kami noong una siyang nagparamdam. Tapos ayun nga, may progress na, ngumingiti na pinsan ko sa kanya. Basta bra, gwapo talaga siya! Pre-Law niya yung BS Accountancy kasi may balak siyang mag-Law. At ako, nganga ulit. Jusko, jonaxxboy nga, di naman akin.
Pagkarating ng fourth year, pumunta siya sa birthday ni pinsan. Pinakilala siya ni pinsan as her suitor, ako naman, nagmamasid lang. Natutuwa talaga sa kanya, sobrang pogi talaga. Jusko, sana may kaaptid kaso only child siya! Tapos mga pinsan niya puro babae. Kaiyak, kaloka, wala akong own jonaxxboy, sana dumating na.
SO ETO NA NGA, matapos ang ilang taon nilang habulan, na-uwi din sa sagutan. Ako, nganga, single pa rin. Pero di bale, at least nakita kong totoo ang mga jonaxxboys. Iyong p*t*ng*n*ng sobrang gwapo, seryoso sa mga babaeng mahal nila, basta basta, gwapo talaga!
Alam niyo ba mga bra anong name niya?
Koby.
Nickname?
Koko.
Kaya chill lang kayo, may mga Kokong gwapo.
PS. Single pa rin ako mga bra, saklap."
-freyanahindimaganda
BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
