I will wait forever until you return

432 12 0
                                    

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Feels
I will wait forever until you return

"It all started when I was in high school. You were one of the few people who approached me and introduced yourself pero that time, uso pa ang kawalan ng pake sa akin. Hell, I don't even want to know your name and I don't care who you are. I just smiled and nodded para naman hindi ka ma-offend. At dahil nga magkaklase tayo, simula noon ay nakilala ko rin kung sino ka talaga.

You're a friendly person. Sikat ka rin sa school pero hindi ko alam kung may fangirls ka ba. Varsity ka rin kasi at sa basketball pa. Makulit ka pero matino naman sa pag-aaral. Mabait at gentleman, matangkad, at malakas ang appeal lalo na kapag sumasayaw ka. You were a such a good dancer na kahit ako na walang interes sa mga sayaw ay nakuha mo ang atensyon. Nagka-crush ako sayo (ew, cheesy) but despite all of that, we remained as acquaintances. Inisip ko kasi na mawawala rin naman yung pagkakaroon ko ng crush sa iyo so I just brushed it off.

The following year, same school pa rin tayo ng pinapasukan but I heard na may nililigawan ka na raw. I tried not to care but my heart sank quite a bit. Crush pa rin kita pero nakakainis, mas tumindi pa yata. Days passed by at napansin ko na parang nagkakalabuan yata kayo ng nililigawan mo. Na-hurt ako ng slight pero di ko na lang pinansin.

Then during one of our training para sa intramurals, mag-isa lang akong nakaupo sa bleachers habang pinapanood yung mga kaklase natin nang bigla kang naupo sa baba katapat ko. You even asked me if I was okay ang I said yes nang bigla mong sinigaw na sinasagot na kita na para bang nililigawan mo ako. I was taken aback at halos mahampas pa kita ng bag na dala ko dahil sa kabaliwan mo. Biruin mo magjojoke ka ng ganun kahit na alam ng lahat na may nililigawan kang iba? I got uncomfortable again so I distanced myself pero being the makulit guy that you are, lapit ka naman nang lapit. Simula noon, kahit naiilang ako ay mas lalo yatang lumalim ang crush ko sayo.

Dumating ang araw na nalaman mong niloloko ka nung nililigawan mo (MU na sila nito). Nakikipagflirt siya sa iba at nalaman mo iyon sa tulong ko. Napadalas ang pag-uusap natin noon kaya mas lalong lumalim ang feelings ko. You became special to me at di rin nagtagal, niligawan mo ako. Inisip ko na pwedeng rebound so hindi ako sumugal. Hinayaan lang kita sa trip mo pero pinatigil din kita nang maisip kong kalokohan mo lang talaga 'to.

I saw how devastated you are nang bigla kitang layuan ng walang dahilan. Mas malala ka pa sa soap opera magdrama. At noong nagkita ulit tayo, doon ko na-realize na mabigat pala sa feeling na hindi mo ako kakausapin. Masakit. So I talked to you and after that, naging okay na ulit tayo.

Lumipas pa ang panahon and finally, sinagot na kita. Napatunayan ko naman nang seryoso ka sa akin at hindi mo ako niloloko. You even snobbed all the girls na sinusubukang makipag-usap sa iyo. Ikaw pa nga mismo ang nagbibigay ng phone mo sa akin para lang i-assure ako na wala kang iba. Alam ko naman so I didn't even bother to check it since parang ini-invade ko na ang privacy mo.

We had a smooth relationship. Ipinaramdam mo rin sa akin kung gaano mo ako kamahal. Doon kita mas nakilala at doon ko rin nalamang possessive ka pero it's fine with me. Sweet ka, caring, funny, and thoughtful. You are every girl's ideal guy. Para kang si Elijah. Proud na proud pa ako dahil nagkaroon ako ng boyfriend na kagaya mo.

How I wish na ganoon na lang sana tayo lagi pero hindi, nagkamali ako. I got too confident na hindi ka mawawala sa akin but now, I'm doubting. You told me that you're close to letting go. Masakit. Napakasakit. But maybe it was my fault. Masyado yata akong nakampante na hindi mangyayari iyon. There, I realized that maybe you're falling out of love while I'm falling even more in love with you. Sana lang hindi pa ang huli ang lahat. Sana maayos pa natin. Sana ako pa. Sana ako na."

- Desteen

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon