Magpakiga ka na ulit, please

345 10 0
                                        

Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Magpakiga Ka Na Ulit Please

"Una pa lang gusto ko ng mag-sorry sa mga hindi matutuwa sa kabaliwan na isinulat ko. Sa mga admins, salamat po kung sakaling mai-post 'to. Hindi naman po ito masyado nakakakilig pero gusto ko lang i-share sa inyo kasi ako, kilig na kilig. Hahaha. So eto nga.

May crush ako! Bago na naman! Hahaha! I saw him at my cousin's moving up ceremony sa school nila. Yun yung tapos na yung ceremony tapos uwian na or kung gusto mo naman, pictorial muna bago uwi. So ayun, sumama ako papuntang stage para ma-picture'an cousin ko. Conscious ako na madaming gwapong estudyante doon. Kaya habang naglalakad ako ay lumilinga-linga din ako, syempre para makahanap ng fafa. Tapos biglang dumapo yung tingin ko sa kanya! Ohmygahd beeeee! Ang gwapo niya as in! Idagdag mo pa na eksaktong pagtingin ko sa kanya ay saka pa lang siya ngumiti. Naramdaman ko talagang tumalon yung puso ko hutaness! Pero syempre, to burst my own bubble, hindi ako yung nginitian niya. Kinukuhanan kasi sila ng picture. Magbabarkada ata sila. Medyo marami sila at naglalakad nga ako kasi sinusundan ko yung pinsan kong lalaki kaya hindi ko sila matignan isa-isa. Pero hindi ko pinalagpas yung lalaking nasa tabi niya! At oh my goodness?! Ang hot nung nasa tabi niya jusme?!! Syempre kapag hot alam niyo na yan kung paano i-describe. Mala-jonaxx boy ganern. Nakakalalag panga at nakakatuloy ng laway bra! At famatay yung smile niya oh em gee! Partida uniform pa suot niya nun ah? Paano kaya kung ordinary na. May pagka-tan yung skin color niya. Pwede na siyang Jacob Buenaventura. Haha! Pero hindi naman siya gaano ka-kayumanggi, basta bumagay sa facial features niya yung skin niya. Basta ang attractive niya! Pero mukhang inosente lol. Pero may badboy vibes siya kaya feeling ko badboy ganun. Manloloko, ganern. Di biro lang.

So back to my crush na na-crush at first sight ata ako, siya naman ay baby face. Oo! Aakalain mong elem. student pa siya dahil sa mukha niyang mala-anghel. Pero nagiging mature siyang tignan sa tindig at tangkad niya kaya bagay na sa kanya ang pagiging senior high this new school year. Ang ganda ng mga mata niya bra! Matangos yung ilong pero hindi siya ganun katulis, basta maganda ilong niya, period. Maputi at neat at matangkad siya. (Bagay na bagay siya sa akin syeet. Hahaha charot lang!) Yung mga ideal type ko kasi nasa kanya na. Pero ayun, pagkaalis ko ng tingin ko para ikuha ng picture pinsan ko, hindi ko na siya nakita pa ulit. Hanggang umuwi kami hindi na. Ang dami ko pang nakitang ibang gwapo pero siya pa rin nasa isip ko!

Pagkagabi syempre hinanap ko siya sa fb. Pero pahirapan talaga kasi wala akong clue kung ano name niya. Kaya naman ang ginawa ko ay nang-stalk ng mga male students na taga-ND na friend ko sa fb syempre para mahanap siya. At kung sinuswerte ka nga naman oh! Una kong nakita yung acc ni Jacob! Syempre stalk ko na siya. Barkada sila diba? Hahaha. At voila! Nahanap ko siya bes! Ayern worth it ang pagka-ala-detective ko ng ilang oras. Pinindot ko yung profile niya at hutaness halos mahimatay ako sa kilig ng makita kong FRIENDS na pala kami! Yieee hahaha! Syempre siguro siya yung nag-add kasi hindi ko naman siya kilala nung una. Tsaka hindi siya lumalabas sa timeline ko. Nag see friendship ako at nakita kong bago lang kami naging friends sa fb. Siguro kasama siya sa mga sandamakmak na nag-FR sa akin that month. Ako kasi yung tipong kapag madaming mutual friends or gwapo/maganda yung nasa DP e accept agad. Sorna ganun ako eh. XD

Palagi ko na siyang inii-stalk pero malimit lang siyang mag-online. Plano ko pa namang i-chat siya, lol. Nalaman kong 3 silang magkakapatid at siya yung bunso. Oh pwede na maging Elijah noh? Lalaki at babae kasi mga kapatid niya. Familiar din yung mukha ng parents niya sa akin. Siguro nakita ko na sila dati pa pero hindi ko matandaan. Basta familiar lang, yung tipong madalas ko silang nakikita pero wala akong pake noon kaya hindi ko matandaan. Haha.

Sana sa kanya na magsimula love story ko. Huhuhu asa! Hindi ko pa siya nakikita ulit. Pero kapag nakita ko siya, ngingitian ko siya at magpapansin ako ng bongga! Kung pwede ko siyang kaibiganin, gagawin ko! Desperada na kung desperada pero crush ko yun eh! Tsaka wala akong mapapala kung hindi ako didiskarte.

Kaya ikaw M! Sana naman magpakita ka na ulit! Sana magtagpo yung landas natin ulit! Mamahalin mo rin ako! De joke hahaha! OA ko talaga.

Pero umaasa talaga ako. Posible kayang tinamaan ako agad sa unang pagkikita natin? Ay mali, pagkikita ko lang pala sayo. Hahaha. *insert sad emoji* Sadlayf!"

-Si N na Umaasa

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon