Elizalde Brothers

602 5 0
                                        

Jonaxx Boys
Feels
elizalde brothers

"I was bored af so I decided to roam around the mall. Malapit lang yung mall saamin kaya itim na sporty shorts lang ang suot ko at itim na damit. Pumunta ako ng NBS to browse books and to read there. Kilala na ako ng guard dahil tambay ako dun. Hinahayaan niya naman ako na magbasa kaya ang kapal ng mukha kong tumambay dun. Anyway, kachat ko rin yung kaibigan ko habang tumitingin ako ng mga new arrival books. Sinasabi ko sakanya yung mga title ng book na maganda at hahanapan niya naman ng pdf or epub because wala kaming pambili ng book at napupunta yung pera namin lagi sa pagkain.

So ayun nga, pagkatapos kong tumingin ng magagandang libro ay pumunta ako sa shelf kung saan nandoon yung mga libro na ang laman ay puro kalokohan and jokes. I was laughing hard because of the joke I've read when someone said, ""Lunatic."" Tumingin muna ako sa paligid ko para tingnan kung may iba pa bang tao bukod saakin but it was only me and the culprit who dared to call me lunatic. When I looked up to him, dahil nga nakaupo ako. Muntik na akong mahugutan ng hininga. He has a sharp and defined jawline, matangos ang ilong, makapal ang kilay, mapupula ang mga labi at itim na itim ang mga mata. Magulo ang buhok niya and it even made him look hotter. Mas pumuti siya lalo dahil tulad ko ay naka-all black din siya. Napakurap ako nang makita siyang ngumisi.

""Ano?!"" sabi ko sakanya at tinignan siya ng masama.

Ngumisi muna siya at humalakhak. ""Lunatic,"" ulit niya pa tsaka naglakad palayo. Nakita kong may kasama pala siya at muntik na akong mahimatay dahil fafa din yung kasama niya. He look amused nang tinignan niya ako bago sumunod sa kasama niya. Hindi ko alam pag magpinsan ba sila o magkapatid pero myghad, ang pogi nilang dalawa. Hindi ko alam na may mga nilalang palang ganyan kagwapo dito sa lugar namin. Ngayon ko nga lang nakita pagmumukha nila. Shet, mala-Montefalco cousins yung dating nila o 'di kaya'y mala-Elizalde brothers. Pero dahil mukhang demonyong ngumisi yung isa at mukhang walang matinong magawa sa buhay, nagawa pa akong tawaging lunatic. Isipin nalang nating siya si Rozen Elizalde. Legit na asshole.

Habang naglalakad ako pauwi nang may biglang bumusina sa gilid ko. Kaloka, nagulat ako kaya napamura ako ng malakas at tinignan ng masama yung sasakyan. Bumaba naman yung salamin ng sasakyan at ayun nga, nagawa pang kumaway saakin. Aba minid fing ko nga. Tumawa siya at pinatakbo ng mabilis paalis ang sasakyan.

Umuwi ako ng bahay na badtrip. Sino ba namang matutuwa pag natawa ka lang tapos nasabihan ka na agad ng lunatic? Pwede namang baliw lang, tss. Tapos bubusinahan ka pa? Paano nalang pala kung may sakit ako sa puso? Paano pag naatake ako bigla? Paano na kinabukasan ko?! Hays yang Rozen na yan. Gwapo nga, balasubas naman. Pasalamat siya't Range Rover yung kotse niya, dahil kung hindi ay pinagbabato ko na yun nang kahit anong mahawakan ko."

- lunatic

Jonaxx Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon