Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
Malabong Maging Noah Ko
"Yung bakit sa lahat pa nang nagustuhan ko eh yung parang si Noah pa? Mahilig sa music instruments, mahilig sa mga bands, meron siyang banda and siya yung drummer. Well, ako mahilig lang ako sa books :3
Noon wala akong pake sa presensya niya, kasi ex-bf siya nung bestfriend ng ate ko. Everytime ate asked me kung pogi ba siya, forever na daw sila nung gf niya ang sinasagot ko lang "WALA AKONG PAKE" nakakasawa. Ngunit bakit parang lahat ng sinabi ko sayo, kinain ko lang ngayon. Hindi ko na namalayan na nahuhulog na ako sayo. I know, it's sounds cheezy. So yun chinat kita tapos nagrereply ka naman pabalik and masasabi kong ang bait mo. Hindi ka snob, hindi din masungit (except minsan kapag nakikita kita laging nakasalubong yang kilay mo)
Fast forward..
Masasabi kong close na tayo sa chat pero sa personal hindi. Pinaka masayang araw sakin, eh yung na chain tayong dalawa nung family day. Ewan ko kung okay lang sayo yun, pero kung tatanungin mo ko kung okay ba sakin? OKAY NA OKAY. Ngunit ang hindi ko makalimutan na tanong na sinagot mo ay yung "PAST or PRESENT" and you answered "PAST" and it hurts. Naalala ko pa nun na tinanong mo kung kamusta na yung story na ginagawa ko and sinabi ko okay naman at 5 chapters na. Alam mo bang yung first name mo yung ginamit ko para sa leading man kasi yun ang sabi mo.
After the chain, ayokong mag-assume pero minsan nahuhuli kitang tumitingin din sakin pero nasabi ko na naman sa sarili ko na MALABO. Kasi sino ba naman ako? Isang babaeng nagkagusto sa taong malabong magkagusto din sakin. After ng family day, ay yung band competition niyo. Sinabi ko sayong hindi ako makakapunta, pero pumunta ako. And sobrang saya ko nung nakita kong tumutugtog ka, para akong nasa outer space at ikaw lang ang nakikita ko. Eto na naman ako, at nakitang tumitingin ka sakin. Nakipagtitigan din ako sayo. Pero binawi ko din kasi, ayokong mag-assume, napaka-MALABO.
Fast forward ulit...
Gabi-gabi kitang chi-nachat. Pero yung araw na hindi ko na kinakaya yung nararamdaman ko sayo. Umamin ako at sinabing mas lalong lumalala yung nararamdam ko sayo at sinabi mong "WAG MONG PIGILAN" and I asked you if you like someone else and you answered "YES" tinanong kita ulit kong "ka-grade mo ba" sumagot ka naman ng "hindi eh". Yung sabihin mong may gusto kang iba ay napakasakit na.
Ngayon ay hindi na kita chi-nachat, sa tingin ko may nagugustuhan na akong iba. ngunit bakit parang lahat ng attensyon ko'y nasa iyo parin? Ngayon ay litong lito na ako, hindi malaman kung ikaw padin. Hindi malaman kung may gusto ka din sakin ngunit MALABO.
Masakit, napaka sakit. Lalo na't nagising ako sa katotohan at realidad na parang isang kapatid lamang ang turing mo sakin. Isang bata lang ang tingin mo sakin."
- young
BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
