Real Life Jonaxx Boy/Girl
Tula
Nakita Ko Na
"I know my friends know I wrote this for someone and I know they'll recognize the said poem. To Baby Snow. Shhh ka lang ha? I know you're an avid fan of jonaxx files eh.
To the guy I'm falling in love with everyday, over and over again, to my MVP this one's for you.
""Nakita ko na...
Tumitig sa'yong mga mata
At oo, nakita ko na.
Na ikaw ang nagpaluha
Tipong umaagos mula langit hanggang lupa.
Mga luhang kailanman hindi humuhupa,
Oo nakita ko na,
Na masaya ka na pala sa piling ng iba.
Na ang mga mata'y kumikinang, nagliliwanag,
'Di ko na kailangan ng marami pang paliwanag
'Pagkat ang puso'y walang tatanggapin.
Mukha mo lang ang gustong harapin.
Mga ngiti mong nagbibigay sakin ng lakas
Lakas na naglalaho sa oras
Oras na makita ko na ang bakas na mahal mo pa siya.
Na mahal mo pa rin s'ya.
Na ang lahat ng meron ako mula sayo
Ay biro na akala ko'y totoo
Biro na masyado kong sineryoso.
Biro na akala ko para dito.
Dito sa pusong umaasa,
Pusong nagbubulag-bulagan at di makakita
Sapagkat ikaw ang gustong mahinuha.
Sa totoo lang, sa laro natin
Nagpakasaya ako habang kaya ko,
Kinabisado ang bawat sulok o dako ng mukha mo.
Bawat hawi ng buhok
Bawat kapit sa sulok,
Sulok ng labing nagbibigkas ng katagang
""Wag kang umalis, dito ka lang""
Ako si tangang nanatili, nagisip, nagtangka
Na baka sakaling ako nga
Baka sakaling ako nga talaga.
Pero namulat ang aking mga mata.
Realidad ay nakita ko na.
Masaya pala sa piling ng iba.
Kahit puso mo'y sinira n'ya.
Nagmahal ng iba habang mahal ka.
Lumingon kahit sa kanya ka nakatutok pa.
At oo, nakita ko na.
Na ito ang huling beses na maririnig ang tunog ng gitara
Pagka't ika'y iiwan ko na
Para sumaya sa piling ng iba
Nakita ko na
Oo nakita ko na
Ang sayang dulot nya
Sa pusong sumisigaw ng ""OO MAHAL KITA AT WALA NANG IBA""
.
.
.
.
Hanggang dito na lang.
Mahal kita."
-A
BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
