Real Life Jonaxx Boy/Girl
Experience
He's not my Elijah
"Sa totoo lang ilang beses ko ng napagisipan na mag confess dito. Dahil ayon nga natatakot akong baka mabasa niya ang confession ko pero nung nalaman kong confidential naman pala. Eh ano pa bang inaantay. Haha!! Lastly! Mashishare ko na sa iba ang matagal ko ng gustong ishare na story.Haha!!
Nag umpisa ang kwento ko sa kanya when I was 6 years old. Si Elijah kasi ang palagi kong nakakasama. May mga kapatid naman ako. Kaya lang puro lalake at ang masaklap pa hindi kami mapaglapit dahil para kaming aso't pusa kapag nagsama. Kaya palagi akong wala sa bahay. At ang una kong pinupuntahan noon ay ang bahay nila para makipaglaro. Minsan wala siya sa kanila kaya naman hahanapin ko siya doon sa kung saan kami laging naglalaro kasama ang iba pang mga bata. Minsan siya naman ang pumupunta sa bahay namin para makipaglaro ng bahay bahayan. Siya kunyare ang Papa at ako naman ang Mama. Yung anak kunyare namin ay yung malaki kong Barbie na kasinlaki lang din namin.
Seven yrs. old ako nun ng napagkatuwaan ng mga kapatid kong lalake na mag ""Truth or Dare"" na game. Pinili ko yung truth kasi takot ako na baka pagtripan lang ako ng mga magagaling kong kapatid. Pati na din ni Elijah.Tinanong nila ko kung sino daw ang crush ko. Eh malay ko ba kong ano yung totoong meaning nun?.Noong una ay hindi ako umamin sinabi ko lang na wala. Tas pinagtulongan talaga nila ko at nang block mail pa para lang umamin ako.Sobrang close ako kanya. Bukod sa wala naman akong makalarong kaparehas ko na babae ay medyo naging boyish din ako non dahil sa kanya. Haha!! Fast forward. Araw ng kapistahan noon ni San Juan sa mga sa probinsya namin sa bisaya. Pinapaahon na kami ni Mama at Tita sa dagat ngunit mas lalo pa naming inenjoy ang mga nalalabing oras namin doon. Patuloy parin kami sa paghaharutang dalawa ni Elijah instead na sundin ang sinabe ng mga magulang namin. Ipinagpatuloy namin ang paglalaro. Yung tipo na laro na magpipinky promise kayo sa ilalim ng dagat habang naka dilat ang mga mataThen nagulat na lang ako na ng bigla siyang nagrequest sa akin na magkiss daw kami. Syempre humindi ako kase nakakadiri. Pero pinilit niya ako kaya naman napapayag niya 'ko. At ayun nga nag kiss kami sa ilalim ng tubig dagat pero smack lang naman.
Nine years old ako taong 2009 ng napagpasyahan ng mga magulang ko na lumuwas ng Manila dahil kaylangang ipagamot si Papa. Syempre bilang isang bata eh excited akong sabihin iyon kay Elijah na aalis na kami. Inaasahan ko noon na matutuwa siya ngunit nalungkot ako ng makita ko siyang malungkot sa pag-alis ko. Sinabi niya pa nga na mamimiss niya daw ako at bumalik ako kaagad.One year lang din kaming namalagi sa Maynila at umuwi kaagad sa probinsya. Mas lalo pa kaming naging close pagkabalik ko. Naging kaklase at katabe ko siya noong grade five ako. At kapag may nangaaway sa 'kin noon ay siya lagi ang nagiging instant superhero ko. Isang beses ay may kaklase akong nanghihiram sa akin ng ballpen. Ngunit sinabihan ko lang ito na wala na pero ang totoo niyan meron pa akong extra sa loob ng bag. Sakto namang wala ng ballpen si Elijah noon at naghihiram din sa akin ng ballpen. Ibinigay ko kaagad kay Elijah ang extra kong ballpen at nasabihan pa tuloy ako mg kaklase ko na ang unfair ko daw kase pagdating kay Elijah ay nagpapariham kaagad ako samantalang sa iba ay hindi. Sinagot naman kaagad ito ni Elijah na tumigil na siya at baka masuntok niya pa ito. Nang mga panahon ding iyon ay may nararamdaman na ako sa kanya na foreign feeling. Hindi ko alam kung ano yung feeling na yun.Pero as soon as possible ay pinigilan ko na ito dahil alam kong hindi ito tama. Mali dahil pinsan ko siya at patay ako sa mga magulang ko kapag nalaman nilang nagkakagusto ako sa pinsan ko. Hanggang sa nag high school na kami ay palagi siyang nagshishare sa akin tungkol sa mga girlfriends niya. Oo ""mga"" dahil katulad din ni Elijah ang aura niya. He's a jerk! Minsan hindi ko maiwasang magselos pero gaya nga ng sabe ko pinipigilan ko ang sarili ko.
At ngayon ay dalawang taon na kaming nagkawalay sa isa't isa. Sa fb ko na lang din nalalaman ang tungkol sa mga nangyayari sa kanya. Ako naman ay kasalukuyang nagaaral sa isa sa mga Unibersidad dito sa Laguna. May mga panahon ding napapaisip ako kung paano kaya kung hindi ko siya naging pinsan? Siguro naging malaya akong iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko. Pero reality hurts talaga. Haha! Tapos ang nakakainis pa ay namimiss ko na ang pangiinis niya sa 'kin. Yung tipong binibwiset niya 'ko kapag nanonood ng t.v at maghahabulan kame sa palayan. Yung ngiti niya lahat namimiss ko na.
Sana po ay maipost niyo itong nakakaloka kong storya."
-janemakulet
BINABASA MO ANG
Jonaxx Secret Files
RandomA Compilation of Stories by Different Unknown Persons. One thing i know is they are Jonaxx Story Lovers. Hope you Enjoy! @All Rights Reserved
